Balita

Mapanganib na init simula na – Pagasa

04/13/2018

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagsimula na ang mapanganib na init ngayong summer kung saan umabot sa 41 degrees Celsius ang “heat index” o “init factor” sa maraming bahagi ng bansa ngayong linggo.

Ang “init factor” ay ang temperaturang nararamdaman ng mga tao, kumpara sa temperaturang nakukuha ng thermometer. Tumataas ang heat index dahil sa taas ng temperatura at ang alinsangan na nararamdaman.

Base sa datos mula sa Pagasa, ganap na alas-2 ng hapon ngayong araw , 11 mga lugar ang nakaranas ng 41 degrees Celsius o mas mataas pa, kung saan nakapagtala ang station sa Dagupan City, Pangasinan ng 45.2 degrees Celsius at air temperature na 34.9 degrees Celsius.

Nagbabala ang Pagasa mapanganib na ang heat indez kapag ito ay umabot na ng 41°C hanggang 54°C, kung saan maaari na itong magresulta sa heat cramps at heat exhaustion likely, at posibleng mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang aktibidad sa ilalim ng araw.

“A heat index above 54°C is extremely dangerous, with heat stroke imminent,” ayon pa sa Pagasa.

Kabilang sa mga nakaranas ng mapanganib na heat index ngayong araw ay Ambulong, Batangas; Cabanatuan, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo; Cuyo, Palawan; Dauis, Bohol; San Jose, Occidental Mindoro,; Sangley Point, Cavite; Tuguegarao city, Cagayan; at sa Zamboanga City.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

LOOK: Compilation of proposed SEA Games logo na mas may kwenta

A netizen posted an open letter to Department of Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano...

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...