Round Trip

ROUND TRIP: WHERE TO FIND THE BEST HALO-HALO

By: - 04/16/2018

Senyales talaga na summer na, pag nagsilabasan na ang mga nagtitinda ng halo-halo sa bawat kanto.  Paborito ito ng maraming Pinoy, kaya inisa-isa ng Round Trip ang ilan sa sinasabing best halo-halo around the Metro kung saan naging batayan hindi lang ang lasa kundi maging ang presyo rin. And we grade them from one spoon (pwede na) to five spoons (super pwede).

Ice Cream House
Halo-halo – P78

Malaki ang serving sa halagang ayos lang sa bulsa.  Sulit ang bawat sangkap, kasama na ang ice cream, at sadya namang masasarap.  Ang kaso lang mukhang hindi masyadong nakadkad ang yelo; malalaki ang tipak.
Iilan pa lang din ang branches nito around Metro Manila, at hindi pa alam ng marami na bukod sa ice cream ay may inio-offer  silang iba.

Score: 3 and a half spoons

Kabigting’s
Halo-halo – P110

Kabigtings’ says they use carabao’s milk para sa kanilang halo-halo.  Plus, kakaiba ang gamit nilang sangkap gaya ng sticky beans, mashed corns at pastillas na gawa rin sa gatas ng kalabaw.

Dahil sa lamig, namumuo ang kanilang pastillas sa ilalim kaya mahirap haluin.  Parang nakulangan kami sa tamis, dahil concentrated siya doon sa pastillas.

Score: 3 spoons

Icebergs
Halo-halo special – P138

Hindi ka na magpa-“finding Nemo” sa ingredient dahil nasa ibabaw na ang lahat ng sangkap, plus two scoops of ice cream.  Hindi rin siya yung typical na halo-halo na may pinipig dahil  corn flakes ang magbibigay rito ng crunch. Di rin mala-iceberg ang kapal ng yelo.

Yun nga lang, mauuna mong maubos yung sangkap bago pa tuluyang mo silang mapaghalo-halo. Ok lang kung medyo pricey, solved ka naman!

Score: 5 spoons
Chowking
Super sangkap halo-halo  P50 – P79

Iba’t-ibang sizes ang offer nila, depende sa kaya ng bulsa at anong kayang ubusin.
Dito mo matatagpuan ang classic na halo-halong Pinoy na ibinibenta sa kapitbahay ninyo – merong saging, camote, sago, gulaman, monggo, white beans, ube.  Palagyan ng ice cream kung gustong may konting angas ang halo-halo mo.

Score: Two and half spoons

Razon’s
Halo- halo P118

Eto yung halo-halo na tatlo lang ang sangkap – leche flan, saging at macapuno, asiden from sa super creamy nilang gatas.
Hindi  man umaapaw sa iba’t ibang sangkap, hindi mo sasabihing kulang ito sa linamnam, lalo pa’t napakanipis ng pagkakakadkad ng yelo na ginagamit dito.
Simplified halo-halo na bongga naman sa sa sarap.

Score: 5 spoons

Max’s
Regular halo-halo and giant halo-halo P499

May kakaibang pauso ang Max’s dahil nagdagdag sila ng grated cheese sa kanilang halo-halo at parang kakaiba ang lasa ng kanilang nata de coco at lece flan, masarap!
Additional grated cheese is required, kung gusto mong malasahan talaga ang kakaiba nilang twist.  To taste the creaminess, kailangan pang dagdagan ng ice cream, though.

Score: 4 spoons

Cafe Via Mare
Halo-halo -P200

Classic halo-halo that will bring back childhood memories – yung halo-halo na bibilhin ng nanay mo sa inyong kapitbahay!

True, halos wala siyang pinagkaiba sa halo-halong ibinibenta diyan sa may kanto. Ay, may pinagkaiba pala, the price!  Sa kanto P30 lang!  But since it comes from Café Via Mare, this is the halo-halo with attitude.  Yayamanin!

Score: 1 spoon

Manam
Halo-halo P164

Another halo-halo na may attitude.  It is milky na topped with a huge scoop of ice cream na served in a “sossy” halo-halo glass. May pa-dahon pa sila!

You need to feel “soshal” while having this dessert or merienda. This halo-halo is yum but a bit pricey.

Score: 2 spoons

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...