Sports

MARCIAL LAW: Handa nang hilumin ng ‘healing commissioner’ ang PBA

By: - 04/16/2018


KATATAPOS lang ng Philippine Cup ng Philippine Basketball Association Season 43 pero nagsisimula pa lang ang higanteng trabaho ni Willie Marcial bilang bagong hepe ng kauna-unahang professional basketball league sa Asya.

Magta-tatlong buwan mula nang hirangin ng Board of Governors bilang ika-10 commissioner, malaki na ang naging pagbabago sa buhay ng tahimik ngunit magiliw na ginoo.

“Bawal na ko mag-shorts at hindi na basta-basta kung saan-saan pumupunta,” biro ni Marcial sa pagbisita nito sa multi-platform sports talk show ng INQUIRER na Sports IQ.

“Sunod-sunod yung meetings ko 3-4 times a day. Siguro kasi simula pa lang, magre-report pa sayo lahat. Gusto ka makilala ng mga kliyente, may mga ganitong proposals,” seryoso naman niyang bawi.

Commissioner ng masa

Binigyan si Marcial ng tatlong taon termino para plantsahin ang mga gusot na hinaharap ng PBA.

“Iba yung may term kasi ito yung magpapalakas sa ‘yo na hindi ka matatakot na baka matanggal ka at nagpapalakas sa ‘yo na basta tama lang yung gagawin mo wala kang kakampihan.”

Pinanday ng karanasan, alam ng 56-anyos Batangas native na nagsimula bilang statistician hanggang maging Media Bureau Chief noong 2003 ang gagawin upang hilumin at buuin ang PBA na nagkalamat sa nakalipas na panahon.

“Advantage sa ‘kin malapit ako sa players, sa media, sa governors so konting adjustments lang dito mabubuo din natin.” 

Likas kay Marcial ang pagiging malapit sa mga players at coaches kaya hindi siya hirap na kausapin ang mga ito.

“Malaking bagay na kakilala mo lahat. Kapag pinapatawag ko yung players nagbabatian lang kami, kumusta na, high five, o eto wag mo na gagawin ito. Hindi mo na kailangan mag-adjust o maging plastic kung ano yung natural ko yun ang makikita nila sa akin.”

“Parang sa coaches dati sinu-summon sila. Sabi ko, ‘di na tatawagan ko na lang kayo to explain kung ano nangyari. Wala nang summon, iba yung sistema natin.”

Pero ang kanyang ultimate mission: ilapit sa puso ng fans ang PBA.

Pagtatayo ng ‘homecourt’

Bago pa maluklok sa puwesto, matagal nang nasa isip ni Marcial na gumawa ng proyekto para sa fans.

Dito nag-ugat ang konsepto ng PBA Homecourt – ang once a week surprise visit ng PBA players at officials sa mga barangay bilang bahagi ng corporate social responsibility.

“Kasi pag out of town ako may nakikita akong mga bata na naglalaro sa kalye, ano kaya babaan ito ng players siguro matutuwa ito.”

Nang maging officer-in-charge , kumilos agad si Marcial upang tuparin ang pangarap.

“Sinabi ko sa mga staff gawin natin ito, 30 days lang ako. Nagtrabaho agad sila, nagawa namin.”

Naging matagumpay ang unang latag ng PBA Homecourt kung saan nagpunta ang PBA legend na sina Benjie Paras, Beau Belga at Rodney Brondial sa Marikina at Quezon City.

“Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Ang nakakaalam lang yung mga tao namin. So bababa kami, meron nga nakayapak pa, walang sapatos. Nung bumaba kami makikita mo sa mga mata ng mga bata tuwang-tuwa.”

Change is coming

Bukas ang tenga ni Marcial sa opinyon ng iba. “Simula’t sapul dun pa man tayo sa media bureau nakakausap natin kung sino-sino — editors, owners so parang kinalakihan ko na yun, ganun tayo nagtatanung tanong tayo sa maraming tao.”

Nagtalaga si Marcial ng competition committee na binubuo ng anim na active coaches kasali sina multi-titled coaches Tim Cone at Yeng Guiao. Kabilang din sa kumite si technical head Eric Castro. Layon nito na bumuo ng libro na maglalaman ng mga guidelines ukol sa officiating.

“Parang gagawa na kami ng bibliya na kahit sinong commissioner pa dumating konti na lang yung pagbabago. Nag-conduct din kami ng survey kung ano ang gusto ng mga fans natin, so from there makikita na namin kung ano ang gusto nila. Pwede sila (coaches ) pumasok o sumali sa competition committee meeting.”

Dahil hinahanap ng mga fans ang mas maaksyong mga laro, unti-unti nang
ibinabalik ang kaunting pisikalan.

“Kung makikita niyo po yung sigla ng PBA, dahan dahan namin binabalik yung larong pinoy. May konting banggaan, konting gulangan parang yun ang gusto ng fans natin.”

Kapansin-pansin rin ang pagbaksak ng attendance sa venues kaya naman gumagawa ng hakbang si Marcial na maging budget-friendly ang presyo ng tickets at mapadalas ang out-of-town games.

“Tungkol sa tickets may promo na kami pero pinag-aaralan pa din namin na ibaba yung presyo. Kung pwede nga ilibre, ililibre ko eh. Pipilitin po talaga namin mapalapit sa inyo at mapadami yung out of town games. Gagawin namin lahat na mapasaya namin kayo. Huwag kayo manawa, ang PBA ang pupunta sa inyo, ” pagtatapos ni Marcial.

Tunog batas militar man ang pamamahala ni Marcial, malaya ang mga nakapaligid sa kanya lalo na ang mga fans na magmungkahi para sa ikauunlad ng ligang minamahal nila.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

More than 10 reasons bakit in demand ang PUP graduates

Ayon sa survey ng JobStreet.com Philippines, ang mga graduates mula sa Polytechnic University of the...

500 driver ng Grab pinarusahan

PINARUSAHAN ng Grab Philippines ang may 500 nitong drivers noong isang linggo matapos ang isinagawang...

‘Restroom 20’ inilunsad ng PTT Philippines

INILUNSAD ng PTT Philippines ang “Restroom 20”, kung saan maaaring makagamit ng first class toilet...

Bagong coins pwede sa vending machine ng LRT, MRT

YOU may be wondering kung pwede na bang magamit ang mga bagong barya sa vending...

Courtesy lane sa DFA-Aseana sarado sa Huwebes at Biyernes

UPANG mapabuti pa ang serbisyo sa publiko na nangangailangan ng pasaporte, isasara muna ng Department...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

MRT 3 Magallanes Station: Anong kaya ng P500 mo?

Text and photos By Djan Magbanua GAYA ng great explorer na si Ferdinand Magellan na...

LRT1: Monumento Station — hanggang saan aabot ang P500 mo?

Ang monumento ni Andres Bonifacio, na siya ring nagbigay ng pangalan sa lugar, ang pinakamalaking...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...