MATAPOS pagkakitaan ng mga fixer ang pagkuha ng appointment sa pagkuha ng pasaporte, sinimulan na Department of Foreign Affairs ang
e-payment system para sa mga
kumukuha ng pasaporte sa Aseana
sa Pasay.
Ayon sa advisory ng DFA, ang mga kukuha ng appointment sa tanggapan nito sa Aseana ay kailangang magbayad muna sa e-payment facility nito bago makumpirma at tanggapin ang aplikasyon nito at makakuha ng
appointment.
Sa ganitong paraan ay mas mapabibilis din ang proseso ng pagkuha ng pasaporte dahil maaalis ang oras na gugugulin sa pagbabayad kapag pumunta sa Aseana.
Sinimulan ang paggamit ng paraang ito nitong Sabado lamang.
“The Passport ePayment facility is expected to not only to make the passport application process faster and more convenient, but more importantly it is expected to make the process efficient and effective for applicants,” ayon sa isang kalatas ng DFA.
Dahil kailangan nang bayaran bago makakuha ng appointment, inaasahan na mahihirapan na ang mga fixer na kumuha ng appointment na kanila umanong ibinebenta sa mga nagmamadaling makakuha ng pasaporte.
Nang binubuo ang sistemang ito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, na plano nilang i-forfeit ang bayad ng mga hindi sisipot sa itinakdang appointment.