Round Trip

TOP 10 Pinoy food

By: - 04/23/2018

Did you know that April is Filipino Food month o Buwan ng Kalutong Pilipino? Iyan ay base sa Proclamation 469 that President Duterte signed recently. Ang culinary tradition ng bansa ay kinikilala rin sa ilalim ng National Cultural Heritage Act. Here’s the list of top 10 Filipino food, according to the survey conducted by Libre.

Adobo

Minsang nagawan pa ito ng pelikula — ang American Adobo — kaya lalo pang sumikat ang adobong Pinoy sa ibang bansa.
Kaya maraming foreigner ang naghahanap ng adobo kapag bumibisita sa Pinas.
Pwedeng manok, pwede ring baboy, o pwede ring pinagsama. At bawat probinsiya yata ay may sari-sariling version nito

Sinigang

Pwedeng baboy, baka, isda at iba pang lamang dagat ang sinigang. Marami ang may gusto nito lalo na kung mainit pa ang sabaw. Sino nga ba ang aayaw sa sinigang?
Maaaring gamitan ng sampalok, kamias, bayabas o tamarind ready mix bilang pampaasim. para umasim ang sabaw

Tinola

Sa Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal, nabida ang ulam na ito. Sinasabing original na lutong Pinoy ang ulam na manok na ito na nilalahukan ng luya, papaya o kaya ay sayote, dahon ng sili o kaya naman ay malunggay.
Gaya ng adobo, meron ding kanya-kanyang version ang ilang lalawigan sa lutong ito. At bukod sa manok, kilala rin na tinitinola ang tahong na sadya namang masustansiya.

Kaldereta

Ang sahog ng kaldereta ay pwedeng baka, baboy, kambing at kung medyo may kaya ay tupa. Sa ibang probinsiya, lalo na sa norte, aso pa nga ang isinasahog.
Ang karne ay matagal na pinalalambot habang ang mala-orange na kulay nito ay dahil sa kamatis o tomato sauce o catsup, habang yung iba ay nilalagyan ng atsuwete.

Kare-Kare

Bukod sa karne ng baka, hinahaluan din ang kare-kare ng oxtail, tuwalya o beef tripe. Nilalagyan ito ng mga gulay kasama na ang bulaklak ng puso ng saging. At hindi kumpleto ang kare-kare kung walang bagoong.
Madaling makilala ang pagkaing ito dahil sa inihahalong giniling na mani at bigas bilang pampalapot. Bukod sa kare-kareng baka, meron na ring seafood kare-kare.

Pinakbet

Ang pinakbet o pakbet ay pinaghalo-halong gulay. Meron itong kamatis, sibuyas, bawang, talong, okra, ampalaya, sitaw, kamote, kalabasa, talbos ng kamote at marami pang iba. Pwedeng sahugan ng karne, hipon o isda.
Madalas na ginagamit na pampaalat dito ang bagoong alamang. May iba’t ibang version din ng pagluluto nito.

Laing

Ito ang pride ng mga Bicolano, bukod sa kanilang Bicol Express.
Masarap ang laing na niluto sa gata ang mga dahon ng gabi.
May iba’t ibang variation ang laing, merong naglalagay ng pinatuyong isda at ang iba naman ay karne.
May kakaiba rin itong kick dahil sa anghang, lalo na kung taga Bicol ang magluluto.

Sisig

Where else to find the best sisig kundi sa Pampanga, kung saan sinasabing nag-originate ang sisig.
Sikat na pulutan ang sisig pero sa iba ito ay ulam na. Maaaring karne ng baboy, manok at seafood. May iba’t ibang variation rin ang pagluluto rito, pero kadalasan ito ay inilalagay sa sizzling plate, at utak ng baboy ang ginagamit na pampalasa.

Lechon

Ang bida sa mga handaan lalo na sa kasal, sinong makakalimot sa lechon? Kung may pera ay buo itong bibilhin pero kung medyo tight ang budget o para lang sa naglilihi, pwede na ang per kilo. Naging uso na rin ang lechon belly.
May mga lalawigan na may sariling version ng kanilang lechon. Isa sa pinakamatunog yung Cebu lechon na hindi na kailangan ng sarsa para manamnam ang sarap nito.

Kakanin

Hindi naman magpapahuli ang mga kakanin na usong-uso pa rin lalo na sa mga handaan. At bawat probinsiya ay may sari-sariling version ng kanilang mga kakanin.
Magmula sa Luzon na puto, kutsinta, palitaw, biko, suman, sapin-sapin, meron din sa Visayas na minuron at binagol, at kung anu-ano pa. Malagkit na bigas ang karaniwang sangkap sa mga kakanin na hinahaluan ng gata ng niyog at iba pang pampalasa.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...