Sports

BALL IS LIFE PA RIN KAY WILLIE MILLER

By: - 05/02/2018

Larawan mula sa Instagram/ @wils11

Suot ang kulay asul na t-shirt na may nakasulat na ‘COACH’ sa likuran, training shorts, basketball shoes at taglay ang guwapong hairstyle, isang masayahin at kwelang Willie Miller ang nagsabing hindi niya iiwan ang basketball.

“Basketball pa rin. Ball is life eh. Automatic ‘yan either playing or coaching,” sabi ng ngayo’y 40-anyos na point/ shooting guard sa pakikipagkuwentuhan ng INQUIRER LIBRE.

“Relax lang naman I’m still playing basketball hindi na nga lang sa PBA pero I have my own time na. Kasi nung nasa PBA wala akong time sa family ko. Kapag nasa bahay ako wala yung kids ko kapag uuwi naman sila ako naman may game or either nagwo-work out. Now, I have more time sa family ko,” dagdag pa ng dating professional cager.

Pinagkakaabalahan din ni Miller ang pagtuturo sa kanyang anak na nakikitaan niya ng potensyal.

“I have a son, yung second ko na tinuturuan ko mag-basketball. Sana mabigyan ng chance sa school niya na makapaglaro,” aniya.

Kung dati ay sanay tayong napapanood, namamangha sa shooting at passing skills at kadalasang natatawa sa mga ‘comedy antics’ sa loob ng court ng PBA veteran, ngayon ay mas seryosong role na ang kanyang ginagampanan- ang pagiging coach sa mga batang nais ding maging professional basketball player.

“Syempre napakasarap ng feeling na you’re one of the reasons na nag i-inspire sa mga bata na maging basketball player din at maging players sa school or national team and yung big dreams na makapaglaro sa PBA or NBA,” sabi ni Miller na sa kasalukuyan ay nagsisilbing isa sa mga coaches ng Jr. NBA Philippines na naglalayong magturo ng free basketball clinic sa mga coaches at mga kabataang edad 10-14.

Naengganyo si Miller na maging bahagi ng coaching staff noong 2016 dahil kay Alaska assistant coach Jeffrey Cariaso. Bahagi rin si Miller ng Titan Basketball Academy ni Cariaso kung saan naka-focus siya sa pagtuturo ng fundamental passing skills.

“Napakasarap sa feeling na nakakatulong tayo,” dagdag pa ng dating two-time Most Valuable Player na nakapaglaro para sa Red Bull, Talk N’ Text, Alaska, Ginebra, Barako Bull at GlobalPort sa loob ng 14 seasons.

Hindi tulad dati na laging nasa Maynila, ginugugol ni Miller ngayon ang oras sa kanyang hometown na Olongapo City upang maibahagi sa kabataan ang kaalaman sa sport. ‘Giving back’, kumbaga.

“Kami ni coach Marvin Pacantara, taga-Olongapo kami, kababata ko. Nagpapaliga kami sa mga bata kasi mas masarap yung makakakuha ka naman ng grassroots from Olongapo na maga-guide mo to play kahit saan,” aniya.

Ngunit nang tanungin kung handa na ba siyang maging full-time coach sa mga amateur o collegiate leagues o maging sa PBA, ang sagot ni Miller: “Ayoko pa sa ngayon kasi being a coach offers time also. It needs time, gusto ko 100% yung bibigay natin kasi naglalaro pa tayo. Siguro kapag wala na talaga yung heart ko sa paglalaro pwede na kasi gusto ko like playing, yung attention ko 100%.”

Wala na rin sa isip ng 40 Greatest Player member na si Miller na bumalik sa PBA sakaling may mangailangan ng kanyang serbisyo.

“Wala na siguro. Pabayaan na natin sa mga bata yun, 40 na tayo. Sila naman ang mag-enjoy kasi di ako sanay na naglalaro ako na hindi ako gagamitin. Support na lang tayo, later siguro gusto ko maging coach kasi gusto ko nakakatulong ako and yung experience ko gusto ko maipasa sa mga players din, yun ang masarap na feeling.”
Nakatutuwa na ginamit ni Miller ang layo ng narating upang tulungan ang mga batang nais ding maabot ang kanilang mga pangarap. Higit sa lahat, hindi nakakalimot si Miller sa sport na bumuhay sa kanya.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...