Sports

MGA LODI NG BEACH VOLLEY

By: - 05/02/2018

Larawan mula sa Instagram/ @beachvolleyballrepublic

MAPALAD sina Charo Soriano at Bea Tan na maging “opisina” ang mga mala-paraisong beach. Ngunit mas maswerte ang bansa sa pagkakaroon ng dalawang atleta na buong puso ang dedikasyon sa pagpapakilala ng beach volleyball.

“One of our biggest motivations is us, as athletes ourselves, and I guess along the way it pass on to, oh now, we have this responsibility to actually make it consistent and sustainable not just for us but the rest of volleyball athletes who are very passionate about this also,” sabi ni Tan nang bumisita ang dalawa sa multi-platform sports talk show ng Inquirer na Sports IQ.

Higit sa pribilehiyo na mapuntahan ang magagandang beach destinations gaya ng
Ilocos Sur, Puerto Galera at Bantayan Island sa Cebu habang naglalaro ng sport na kanilang hilig, ang adbokasiya na ipakilala ang outdoor sport bilang iba sa indoor volleyball ang intensyon ng mga dating Ateneo volleybelles.

“Definitely that’s one of our goals. To be able to form teams that are specialized for beach volleyball because at the essence of it, it’s totally a different sport- the dynamics, the ball, the wind factor, the open area,” ani Tan.

BVR ON TOUR

Dahil sa kakulangan ng tournaments, napagpasiyahan nina Tan at Soriano katuwang si Alexa Micek at former Lady Eagles Gretchen Ho, Fille Cainglet at Dzi Gervacio na itatag ang Beach Volleyball Republic noong 2015 na naglalayong mag-organisa ng beach volleyball tournaments sa iba’t-ibang lugar sa bansa at bumuo ng grassroots development program.

“It really started because there was a lack of tournament for us to play in. There will be one or two tournaments we can join in. If we’re lucky then we can go to a random city down south, there we can play in as well in their fiestas,” saad pa ni Tan.

“There are a lots of athletes talaga who can bring honor to our country. We’ve had strong athletes from the floor 15 years ago, 20 years ago. Meron silang podium finishes kaso nga lang it wasn’t sustained so we wanted to reintroduce again the sport. We want to make sure that it’s gonna be sustainable from grassroots level or to the younger level until amateur, professional, elite level,” sabi ni Soriano.

“Yun din po yung gusto namin makita ni Bea with what’s happening now na a lot of these younger teams from university, high school players would train already and mabibigyan sila ng opportunity siguro scholarship ng mga collegiate and universities kasi meron na po silang platform, avenue to grow as beach volleyball athletes,” dagdag pa ni Soriano.

“Talagang it’s tighter now the community of beach volleyball. The volleyball community especially the fans are going bigger and bigger. We keep on going back there (provinces) kasi naghahanap na yung mga tao ng beach volleyball, nacondition na sila na dapat ganitong month babalik yung BVR to play there,” ani Soriano.

MANILA OPEN

Daan din ang BVR on Tour para salain ang pina- kamahuhusay na beach volley players na magrerepresenta sa Pilipinas sa international meets tulad ng May 3-6, 2018 Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) Beach Volleyball World Tour Manila Open na gaganapin sa SM Sands by the Bay kung saan ito ang unang beses na magho-host ang bansa. May 64 foreign squads (32 women & 32 men) mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Canada, Czech Republic, Israel, Spain at Latvia ang maghaharap sa four-day meet.

Walong team ang ibabandera ng Pilipinas. Ang mga pares nina Soriano/ Tan, Karen Quilario/ Lourdilyn Catubag, Dhamae Demontaño/ Jackie Estoquia at Dzi Gervacio/ Cherry Rondina ang bubuuo sa women’s division habang sina Jade Becaldo/ Calvin Sarte, Raphy Abanto/ Kevin Juban, Ranran Abdilla/ Edwin Tolentino, Henry Pecaña/ KR Guzman ang kukumpleto sa men’s side.

“This is I guess the time for us to really see what are gauge is. So, world tour is the bigger event worldwide and what we’re really after is how we can gauge with the Asian countries. So we’ll start there first having these here is already good opportunity for us to really grow the game here in the Philippines.” sabi ni Tan.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...