Sports

CHANGE IS COMING SA PH SWIMMING

By: - 05/09/2018

 

DALAWANG dekada na ang lumipas nang huling magwagi ng medalya ang Pilipinas sa Asian Games (dalawang tanso) habang siyam na taon naman nang huling makapag-uwi ng gintong medalya ang bansa sa Southeast Asian Games.

Sa mga sumunod na edisyon ng kada-apat na taong Asiad, nangulelat pang lalo ang bansa at hindi na nakasungkit pa ng medalya mula 1998. Sa SEAG na ginaganap tuwing dalawang taon, nagkasya na lang sa pagbulsa ng pilak at tansong medalya ang Pinoy tankers pagkatapos ng 2009 Laos Games.

Isa sa mga itinuturong dahilan nang nakapanlulumong estado ng swimming sa bansa ay ang maling proseso o hindi pulidong pagsasala sa mga national athletes kung saan hindi nabi-bigyan ng pantay na oportunidad ang mga talagang karapat-dapat na magbitbit ng bandera ng Pilipinas sa
world stage.

Hindi na ngayon.

Sa paglalayong makamit ang kapayapaan, tinuldukan na ng Philippine Swimming Incorporated (PSI), ang national sports association ng swimming sa bansa at ng premyadong organisasyon na Philippine Swimming League (PSL ), ang matagal nang hidwaan.

Nagkasundo sina PSI president Ral Rosario at PSL president Susan Papa na plantsahin ang gusot ng nakaraan at magkaisa na tungo sa inaasam na pag-unlad ng Philippine swimming sa ginanap na unification ng dalawang panig noong isang linggo na hudyat ng pagpasok sa “new era of Philippine swimming”.

Ang hakbang na ito, ayon kay Rosario, ay para hilumin ang “broken community”.

“The issue with PSL has been long standing issue with PSI. It’s time to bring it to an end for the benefit of the swimmers, for the benefit of the swimming community,” sabi ni Rosario.

Sina Rosario at Papa ay mga dating national team members at sabay na inirepresenta ang bansa sa 1974 Asian Games.

KAMPAY TUNGO SA TAGUMPAY

Imbes na magpadala sa kontrobersya, mas pagtutuunan ni Rosario ng pansin ang pagsasaayos ng mga nararapat na hakbang para sa ikabubuti ng
swimming.

“We need to be an inclusive community rather than an exclusive community where we have rules. But then, we have to study those rules on how it applies to us if it’s good or not then we need to open it up, open up the community so that more and more people and sponsors would come in,” aniya.

Matapos na magdaos ng board meeting ang PSI Marso noong isang taon para nga resolbahin ang hindi pagkakaintindihan sa PSL, nagningas pang lalo ang hangarin ng dalawang kampo na maging isa dahil na rin sa 11-year old wonder na si Michaela Jasmine Mojdeh na nasa ilalim ng PSL.

Anim na ginto at isang pilak na medalya ang sinungkit ni Mojdeh sa katatapos lang na Palarong Pambansa sa Vigan kung saan tinanghal siyang Most Bemedalled Athlete. Dalawang national junior records din ang binasag ng Grade 6 student mula sa Immaculate Heart of Mary College-Parañaque. Itinala niya ang mga bagong rekord sa elementary girls 200-m individual medley (2:33.12) at 100-m butterfly (1:06.7).

PANTAY NA OPORTUNIDAD

Salamat kay Mojdeh, ngayon ay bukas na ang pinto ng PSI para bigyan ng pagkakataon ang mga manlalangoy ng PSL na mapabilang sa pambansang koponan.

“We really appreciate the unification and the message of Ral to me that he’s opening the selection process ng national team which has been the only problem the PSL has,” sabi ni Papa.

Dati kasi, hinuhugot ng PSI ang national team mula sa mga eksklusibong miyembro nito na nagbabayad ng taunang membership renewal fee. Sila ang mga ipinapadala sa FINA-accredited competitions tulad ng SEA Games at Southeast Asian Age group meet.

Samantala, naging grassroot program naman ang PSL na itinatag noong 2010 ng mga hikahos ngunit may potensyal na mga bata sa sport kung saan nagbibigay karangalan ang mga ito sa international tournaments. Magandang halimbawa nito ang ginawang pagdomina sa 2017 Buccaneer Invitational Swimming Championship sa Tokyo, Japan. Humakot ng 34 golds, 19 silvers at 21 bronzes ang PSL swimmers para tanghaling overall champion sa mahigit 25 bansang lumahok.

“The unification will open the gates for every Filipino citizen who can qualify. The qualification in choosing national team must not be based only on affiliation. It should be based by your Filipino citizenship and the qualifying standard. The affiliation shall never be a hindrance to the selection process,” ani Papa.

Ang tagpong ito, sabi pa ni Papaay magpapahinto sa kalakaran ng ‘pera-pera’.

“Kalakaran na you made it to the team because you have the money kasi yun yung naging system nung nakaraan. Now, between Ral and, I we are trying to tanggalin na ‘yan because that’s a misrepresentation to the rest of the swimmers na they are believing they’re good because they’re on the national team wherein fact, they are not qualified, they are only qualified because they have the money,” sabi
ni Papa.

Sa kasaysayang ito, umaasa ang Philippine swimming community na simula na ito ng pagbabagong matagal nang hinahangad para sa ikakauunlad ng bansa sa international scene.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...