Showbiz

Gerald, Bea affair isn’t over yet

By: - 05/16/2018

 

MAY malalim na pinagdaraanan ang relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.  At sino ba ang hindi dumadaan sa ganoong phase ng isang releasyon?

Bea admitted that there’s something (bad, not so bad, really) going on with he (ex) boyfriend.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Bea na nag-uusap pa rin sila ni Gerald and apparently admitting that nothing is over yet since they are trying to fix everything.

“Marami pa pong inaayos,”  she quipped.

Last week, diretsong sinabi ng dalaga na single na uli siya “sa ngayon”.

And there she made a litany of lessons she learned from entering into relationship.

Sabi ni Bea, relationship is a choice.

“It’s what I learned habang tumatanda, ang importante lang ay hanggang saan yung mapapanindigan mong choice. Kasi in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain,” she said.

“And I think it all boils down to who you want to experience all of that for,” sey ng dalaga.

Healthy din daw sa isang relationship ang maka-experience ng challenges, “Doon nagu-grow ang love. Ang love naman hindi lang puro saya, e. Kapag mas marami na kayong pinagdaanan, mas stronger yung relationship.

“So kailangan paminsan-minsan, meron kayong pagdadaanan. Paminsan-minsan may matututunan kayo out of all those things na pagdadaanan ninyo,” aniya pa.

Tinanong din si Bea kung ano ang best quality ni Gerald na na-discover niya, “He’s a very responsible man. He’s responsible pagdating sa pamilya niya, sa mga kaibigan, sa mga kasama niya.”

Pero si Gerald daw yung tipo ng lalaki na hindi laging open sa feelings niya, “Lalaking-lalaki si Ge na tipong he lets me talk about my feelings all the time but minsan lang siya magsasabi ng nararamdaman niya. He communicates with me naman. Hindi lagi sa salita.”

Ikinakilig naman ng mga fans at supporters nila ni Gerald ang naging sagot niya sa tanong na, “kung huling araw na ng mundo, sino ang gusto niyang makasama? Aniya, “Siya siguro.”

Like Libre on Facebook: Inquirer Libre

Follow us on Twitter:  @inquirerlibre

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...