Round Trip

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT 3: Guadalupe Station

By: - 05/21/2018

One of the busiest places around Edsa is Guada-lupe. Bukod sa ito ang gateway
patungong Makati, Taguig and Pateros, kilala rin ito sa mga online gamers dahil naririto ang malalaking branches ng kilalang gaming stations sa bansa.

Sa aming paglalakbay sa Guadalupe, we tried to see all the must-see places here that you too shouldn’t ignore lalo na kung sa Guadalupe Station ng MRT ka rin naman bumaba o sumasakay papasok ng trabaho at pauwi ng bahay.

1
Chubby Cafe

2nd floor, MCC building, Magsaysay
Avenue, Guadalupe, Makati City

Proud silang sabihin na hangout spot ito ng mga millennials. From frappes, milk tea, coffee, at maging ang kanilang various silog at iba pang meals ang inio-offer ng place. The atmosphere is very relaxing, contrary to the busy area around. Café opens at 11 a.m.

Honey Dew milk tea =P100

2
Bretz Cafe

8239 Fabian Yabut St., Makati

Small by standards pero friendly and cool ang dating ng Bretz Cafe. It offers board games to customers while waiting for their orders. Wag kalimutang i-try ang kanilang burgers (paired with coffee), na hindi lang pang model ang porma, panlaban din ang lasa! Kung isa ka namang food warrior, try out their one-minute eating challenge, na pag nanalo ay ibabalik ang iyong P250 at may libre ka pang T-Shirt!

Bacon burger with coffee jelly frappe = P215

3
SteaKusina

9530 Masilang St., Guadalupe Nuevo, Makati

Looking for something heavy naman? Bisita na rito sa SteaKusina! Siguradong matatakam ka sa affordable steaks nila and other grilled food. What can you ask for, steaks at P140+? Not bad.

BBQ T-bone steak meal = P140

Other places you must try

4
Mekenis Catering

#8261 Sgt. Fabian Yabut Circle, Makati

They are not just for catering, meron din naman silang maliit na carinderia-style kainan kung saan pwede mong matikman ang kanilang iba’t ibang putahe na kanilang ikini-cater.

5
Cuerva Bakeshop

1116 Kalayaan Ave., Makati

Welcome sa bakeshop kung saan, ayon sa kanila, ay home of the award winning mango torte and honey cake.

6
Bom Bom’s Goto House

2126 Nuestra Sra. De Guadalupe, Maynila

Late ang uwi from work at medyo malilipasan na ng gutom? Then sagot ‘yan ng Bom Bom’s Goto House dahil 24 hours silang bukas to cater to people like you.

7
WarGods Internet Cafe

2/F MCC Building, Sergeant Fabian
Yabut St., Makati

Hardcore gamers gather here para maglaro from morning to night. Bukas sila 24 oras.

8
Guadalupe Nuevo Cloverleaf Park

Guadalupe

Isang malaking park located around Guadalupe perfect para tumambay para magkaroon ng quiet reflection

9

JERVS / Mabel Pocketbooks Store

5-A No. 2, Basement, Guadalupe Market, Epifanio de los Santos Ave., Makati

Sino mang book lovers ay hindi mapapalagpas ang pre-owned book stall na ito na ilang taon na ring naririto sa Guadalupe. Konting tiis lang sa paghahanap dahil hindi aircon ang lugar. Prices start at P20.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...