Sports

PAISTARAN SA PBA ALL-STAR WEEK

By: - 05/23/2018

Gilas laban sa buong Pilipinas.
Ito ang matutunghayan ng Pinoy basketball fans sa pagsikad ng 2018 PBA All-Star Week ngayong linggo na gaganapin sa tatlong siyudad sa bansa kung saan lalabanan ng pambansang koponan ang Luzon, Visayas at Mindanao selection.
Pipilitin ng Gilas sa pagtitimon ni coach Chot Reyes at ng Mindanao All-Stars na gagabayan ni coach Tim Cone na magkaalaman na kung sino ang mas matikas ngayong edisyon na ito matapos mauwi sa 114-114 tabla ang resulta ng banggan ng dalawang koponan noong nakaraang taon sa Cagayan de Oro City.
Maghaharap ang dalawang koponan sa Miyerkules (Mayo 25) sa Digos City, Davao del Sur.
Titiyakin naman ng Visayas All-Stars na hahawakan ni coach Chito Victolero at Luzon All-Stars na mamanduhan ni coach Leo Austria na gumati sa Gilas kasunod ng pagkatalo noong 2017.
Idadaos ang Luzon leg sa Batangas City Coliseum sa Biyernes (Mayo 25) at ang Visayas leg sa University of San Agustin sa Iloilo City sa Linggo (Mayo 27).
Magiging exciting ang twist sa All-Star Obstacle Challenge dahil imbes na mga guwardiya ay mga bigman ang magtatagisan sa dribbling, passing at shooting under time pressure.
Dedepensahan naman ni Allein Maliksi ang kanyang trono bilang three-point king sa Three-Point Shootout kung saan lalahok rin ang mga dating kampeon na sina Terrence Romeo at James Yap habang kaabang-abang rin ang Slam Dunk Contest na lalahukan ng defending champion na si Chris Newsome kontra former titlists na sina Rey Guevarra at Gabe Norwood.
Ang mga All-Star Skill Competition na ito ay gagawin sa Luzon Leg bago ang laban ng Luzon All-Stars at Gilas Pilipinas.
GILAS PILIPINAS (VS. MINDANAO)
June Mar Fajardo
Japeth Aguilar
Troy Rosario
Calvin Abueva
Carl Bryan Cruz
Gabe Norwood
Allein Maliksi
Matthew Wright
Roger Pogoy
Kiefer Ravena
Terrence Romeo
Jayson Castro
MINDANAO ALL-STARS
Scottie Thompson
Mark Barroca
Jio Jalalon
PJ Simon
Mac Belo
Baser Amer
Cyrus Baguio
Sonny Thoss
Rafi Reavis
JP Erram
RR Garcia
Carl Lastimosa
GILAS PILIPINAS (VS. LUZON)
June Mar Fajardo
Carl Bryan Cruz
Troy Rosario
Mac Belo
Roger Pogoy
Allein Maliksi
Terrence Romeo
Gabe Norwood
Jio Jalalon
Kiefer Ravena
LUZON ALL-STARS
Japeth Aguilar
Calvin Abueva
LA Tenorio
Paul Lee
Jayson Castro
Stanley Pringle
Matthew Wright
Marcio Lassiter
Alex Cabagnot
Arwind Santos
Ian Sangalang
Raymond Almazan
GILAS PILIPINAS (VS. VISAYAS)
Japeth Aguilar
Troy Rosario
Carl Bryan Cruz
Mac Belo
Gabe Norwood
Matthew Wright
Allein Maliksi
Roger Pogoy
Jio Jalalon
Jayson Castro
Calvin Abueva
VISAYAS ALL-STARS
June Mar Fajardo
James Yap
Kiefer Ravena
Greg Slaughter
Terrence Romeo
JR Quiñahan
Jeff Chan
Chris Ross
Joe Devance
Emman Monfort
Asi Taulava
Jericho Cruz
OBSTACLE CHALLENGE (provisional list)
Sonny Thoss (Alaska)
Raymond Aguilar (Ginebra)
JP Erram (Blackwater)
Kelly Nabong (GlobalPort)
Russell Escoto (Columbian)
Ken Bono (Meralco)
Asi Taulava (NLEX)
Aldrech Ramos (Magnolia)
Doug Kramer (Phoenix)
Beau Belga (Rain or Shine)
Yancy de Ocampo (San Miguel)
Yousef Taha (TNT)
3-POINT SHOOTOUT (provisional list)
JV Casio (Alaska)
LA Tenorio (Ginebra)
Allein Maliksi (Blackwater)
Stanley Pringle (GlobalPort)
Ronald Tubid (Columbian)
Garvo Lanete (Meralco)
Larry Fonacier (NLEX)
James Yap (Magnolia)
Matthew Wright  (Phoenix)
Paul Lee (Rain or Shine)
Marcio Lassiter (San Miguel)
Terrence Romeo (TNT)
SLAM DUNK (provisional list)
Mat Rosser (San Miguel)
Marion Magat (Alaska)
Renz Palma (Blackwater)
Lervin Flores (GlobalPort)
Jackson Corpuz (Columbian)
Chris Newsome (Meralco)
Rey Guevarra (Phoenix)
Gabe Norwood (Rain or Shine)

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...