Sports

Lebron James ng Cavs at Stephen Curry ng Warriors muling magtatapat sa NBA Finals

By: - 05/29/2018

Stephen Curry-Lebron James face-off is even more exciting the fourth time around.

Ito ang magiging eksena sa muling pagkikita ng dalawang NBA supestars kasunod nang 101-92 pagpapayuko ni Curry at ng Golden State sa Houston sa Game 7 ng Western Conference Finals at itakda ang panibagong duwelo laban sa Cleveland sa ikaapat na sunod na season.

Hawak ng defending champion Warriors ang bentahe sa best-of-seven NBA Finals series na magsisimula sa Biyernes dahil sa kanilang teritoryo sa Oracle Arena gagawin ang Game 1 at Game 2.

Hindi naman padadaig ang Cavaliers na tumuntong din sa kanilang fourth straight NBA Finals appearance na muling bibitbitin ni James na hawak ang league-record na walong sunod na paglalaro sa NBA Finals.

Unang nagharap ang Warriors at Cavaliers noong 2015 season kung kailan nagbalik si James sa Cavs subalit nabigo na masungkit ang korona.

Ngunit bumawi si James sa 2016 season nang ibangon ang Cavs mula sa 1-3 series deficit at kunin ang kampeonato sa Game 7.

Naghiganti ang Warriors noong isang taon at mabilis na tinapos ang Cavaliers, 4-1 para muling angkinin ang titulo.

Kaya ang tanong ngayon, mapanatili kaya ng Warriors ang korona sa kanilang ulo o muli itong maagaw ng Cavs?

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mocha: I decline to apologize

SORRY, Mocha isn’t sorry. Hindi raw magso-sorry si Mocha Uson kahit pa nauna nang nag-sorry...

Trending today: College graduate pinabilib libo-libong netizens

TRENDING ang isang college graduate ngayon dahil may kakaiba siyang kuwento na naging inspirasyon ng...

Executive Order sa ‘endo’ pinirmahan ni Digong

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order na tatapos sa illegal contracting, na kanyang ipinangako...

More than 10 reasons bakit in demand ang PUP graduates

Ayon sa survey ng JobStreet.com Philippines, ang mga graduates mula sa Polytechnic University of the...

500 driver ng Grab pinarusahan

PINARUSAHAN ng Grab Philippines ang may 500 nitong drivers noong isang linggo matapos ang isinagawang...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...