Sports

WALANG IMPOSIBLE KAY JASMINE MOJDEH

By: - 05/30/2018

Micaela Jasmine Mojdeh. CONTRIBUTED PHOTO

KAGAYA ng kanyang idolong si Michael Phelps, hindi imposible na marating din ng swimmer na si Micaela Jasmine Mojdeh ang Olympics.
Pangarap niya na makita ang sarili bitbit ang bandila ng Pilipinas sa 2024 Summer Games sa Paris, France.
“Yun po ang ultimate dream ko, gusto kong makapag-Olympics at mag-break ng records,” sabi ni Mojdeh sa INQUIRER LIBRE.
Labing-isang taong gulang pa lang  subalit limpak-limpak na medalya na ang kanyang nasungkit sa mga local at international competitions magmula sumuong sa competitive swimming sa edad na lima.
Nitong unang linggo ng Mayo, lumipad ang swimming prodigy patungong China upang lumahok sa  Rocket Science Sports Long Course Swim Competiton sa Shanghai.
Ibinulsa niya ang mga gintong medalya sa tatlong events na sinalihan (200m butterfly, 100m butterfly at 50m butterfly) sa girls 11-12 years old age-group kung saan itinanghal din siyang Female Highest Fina Pointer of the Meet.
Labing-walong ginto ang iniuwi ni Jasmine noong 2017 Hamilton Aquatics Long Course Swimming Championships sa Doha, Qatar at 12 ginto naman sa  2017 Hamilton Aquatics Winter Long Course Swimming Championships sa Dubai, United Arab   Emirates kung saan kinilala siyang Most Bemedalled Swimmer habang tatlong  ginto  ang kanyang napanalunan sa 2018 Japan Age-Group Swimming Championship nitong nakaraang Marso.
Sa nagdaang Palarong Pambansa sa Vigan City noong Abril, anim na ginto  at isang pilak na medalya ang ibinulsa ni Jasmine upang kilalaning Most Bemedalled Athlete ng nasabing palaro.
Dalawang national junior records din ang binasag ng Grade 6 student mula sa Immaculate Heart of Mary College-Parañaque.
Itinala niya ang mga bagong rekord sa  elementary girls  200-m individual medley (2:33.12) at 100-m butterfly (1:06.7).
Ang kagila-gilalas dito, ito ang unang sabak niya sa Palarong Pambansa.
Nakapagkwalipika na rin siya sa Southeast Asian Age-Group Swimming Championships na iho-host ng Pilipinas sa Hulyo matapos ang dominasyon sa Palarong Pambansa.
 MALIWANAG NA BUKAS
Tunay na kahanga hanga ang potensyal ni Jasmine kaya maging ang dating national team member at Olympian na si Akiko Thompson ay naniniwala na magi-ging maliwanag ang bukas para sa batang manlalangoy.
“Her future is very bright,” sabi ni Thompson kay Mojdeh na kasalukuyang nasa pangangalaga ni coach Susan Papa ng Philippine Swimming League (PSL).
“Let’s just hope and pray that she will continue to put in the hard work. If there are opportunities for her to train and compete just keep it better and better so she can achieve her goals,” dagdag pa niya.
Mistulang ipina-dala ng langit si Jasmine sa Philippine swimming community para mamulat ang mata ng PSL at ng national sports association ng swimming na Philippine Sports Incorporated (PSI) na magkasundo na para hubugin ng husto ang talento ng mga batang swimmers tulad ni Jasmine.
Ngayong nagsisimula nang gumulong ang pagbabago sa estado ng swimming sa bansa, uusad na rin ang mga pangarap ni Jasmine na maging bahagi ng pambansang koponan at  ipakilala ang
Pilipinas   saan mang dako  ng  mundo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...