Feature

Trending today: College graduate pinabilib libo-libong netizens

By: - 06/01/2018

TRENDING ang isang college graduate ngayon dahil may kakaiba siyang kuwento na naging inspirasyon ng mga nakabasa nito.

Sa kanyang Facebook post, nai-share ni Bert Lopez Afriica ang kanyang kwento kung ano-ano ang mga pinagdaanan niya sa buhay bago makamit ang kanyang pangarap:  Ang makapagtapos ng kolehiyo.

Mala-MMK ang kwento ni Bert sa anim na taon niyang paghihirap bago nakapagtapos ng kursong Information Technology.

Graduate ng high school noong 2012, pero dahil alam nya na kakailanganin nya ng pera para makapagkolehiyo ay hindi na niya ito itinuloy.  Chika pa niya, 15 years old pa lang siya ay kumakayod na siya para mabuhay.

“2012 grumaduate ako sa highschool. Akalin niyo yon, 15 years old pa lang ako nagta trabaho na ako sa isang eatery/carenderia, pambaon ko lang. Pero alam ko na sa sarili ko na hindi ako makakapag college kasi need ng malaki laking perang gagastusin.”

Kung ano-ano ang pinasok niya tulad ng pag-aalaga ng baboy, pagbebenta ng calamansi at pati na rin pagtatanim.

Nang siya ay makabalik ng Maynila noong 2014, ganun din ang kanyang ginawa. Kung saan saan siya pumasok para makapag-ipon.

Nagbakasali naman siyang makapag-apply sa isang fast food restaurant kung saan natanggap siya at ang unang ginawa niya sa sahod niya ay pinang-enroll sa school.

“Tapos eto na kung saan saan ako nag apply na fastfood. Ginamit ko lahat ng ipon ko. Hanggang sa KFC nung una akala ko paasahin lang ako kasi nasanay na tayo na “sir. itetext na lang po kayo” but after a 1 month, yes 1 month ako naghintay hahaha tagal diba? 😀 para sa training 🙂 then after that pasok na. Sakto yung sinahod ko nung nagtraining ako at sa pinang enroll ko na kagad 1st sem sa school.”

Dito nagsimula ang kalbaryo nya tulad na na siya na ang sumusuporta sa pang-araw-araw nila ng kanyang tatay na na-istroke. Ang pagkakaroon ng mga bagsak na subject dahil nahirapan siyang ipagsabay ito sa kanyang trabaho. Pero hindi siya nanghina ng loob. Masaya pa rin siyang pumapasok sa trabaho.

“Masaya ako sa kfc, pag duduty ako don makulit ako. Kaya alam nila wala ako problema sa pang araw araw ko. HAHAHAHA. Halos apat na taon din ako sa KFC simula nung nag college ako. MARAMING SALAMAT KFC SM NORTH TEAM ANNEX 1. Halos 4 years din ako sa KFC.”

Sa huli ay nag pasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya at may advice naman siya sa mga katulad nyang working students.

“Sa mga WORKING STUDENTS DIYAN. maging matatag lang kayo. Makakamit niyo din ang tagumpay. Sa mga pinag aaral diyan, ayusin niyo na. Hindi niyo alam ang hirap kumita ng pera. Lalong lalo na sa magulang na nag tra trabaho. Makapagtapos lang kayo. Mahirap makita ang magulang na umiiyak, dahil sa inyo. Paiyakin niyo sila sa pamamagitan ng GOALS niyo. Yung iba gusto mag aral, pero walang pampa aral. Yung iba may pampa aral, ayaw naman mag aral. Kaya ngayon mamulat na kayo sa totoong buhay.”

As of posting time, umabot na sa 70,000 reactions and 20,000 plus shares na ang kanyang post.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...