Balita

Sumaksak kina Jeron Teng, 2 ex-La Salle players arestado na

06/03/2018

ARESTADO ang mga suspek sa pananaksak sa Alaska rookie na si Jeron Teng at kanyang dating mga ka-teammate sa La Salle kahapon ng umaga.

Sinabi ni Police Chief Inspector Joseph Austria, ng Police Community Precinct 7 sa Bonifacio Global City, na kabilang sa mga naaresto sina Edmar Manalo, 40, Joseph Varona, 39, at Williard Basili, 38, matapos umanong saksakin si Teng at kanyang dating kasamahan sa Green Archers na sina Norbert Torres at Thomas Torres sa labas ng Early Night Club malapit sa Fort Strip.

Idinagdag ni Austria na naglalakad sina Teng at dalawang Torres sa labas ng Fort Strip, noong Sabado ng gabi nang makuha ang atensyon ng grupo ni Manalo.

Nauwi ito sa mainit na pagtatalo at away.

Dinala ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Hospital para magamot.

Naaresto ang mga suspek ganap na alas-2:30 ng umaga.

Bago ang pananaksak, galing si Teng sa laro ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum. Naka-iskor pa siya ng walong puntos sa 22 minuto kung saan nanalo ang Aces sa iskor na 109-103 laban sa GlobalPort.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...