Round Trip

Top 6 places to buy your school supplies

By: - 06/04/2018

Kung merong mga magulang na maaga pa
ay naihanda na ang mga gamit sa
eskwela ng kanilang mga anak, may ilan naman ang pakonti-konti ang pagbili ng school supplies depende na rin sa kaya ng budget.
Ngayon na balik-eskwela na ang halos lahat ng bagets, at hindi mo pa nasisimulan ang pagbili ng gamit ng iyong mga anak, here’s a quick guide kung saan maaaring makabili
ng mga murang gamit pang-eskwela.
Para magkaroon ka na rin ng idea kung magkano ang dapat ihandang pera, narito ang breakdown ng mga expected expenses sa mga pamilihan.

1
Riverbanks
Marikina City

Para sa abot kayang deals sa sapatos, na hindi masasakripisyo ang kalidad, nariyan ang mga sapatos-Marikina, ang shoe capital ng bansa. Imbes na bumili ng mga China-made na sapatos, dito na lang para tiyak na pangmatagalan ang buhay.
Sa loob naman ng ever famous na Riverbanks Mall, may mga factory outlets ang ilang sikat na brands ng sapatos at bags. Meron din silang tiangge sa labas na katabi ng mismong mall kung saan may nakalatag na mga nagbebenta ng mga school supplies.

Expected prices:

Shoes (branded): P500 and above

Bags: P400 and above

School supplies (notebooks, pens, etc.): P15 notebooks, P10 pencils, P8 ballpens

2
Back to
School Bazaar
Shoe Avenue, Marikina City

Dito naman sa tabi ng Marikina Elementary School ay nagtipon ang ilang local shoe and bag makers para sa isang bazaar showcasing their products. Hanggang June 10 ang kanilang sale na nagsisimula ng alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Expected prices:
Shoes: P250 – P700
School bags: P300- P500

3
Baclaran Market
Parañaque City

Hindi lang simbahan ang sikat sa Baclaran dahil pati mga murang bilihing damit ay swak dito.
Ngayong magpapasukan marami ang nagtitinda ng uniforms, school supplies, shoes at bags dito. Madaling puntahan dahil sa mismong baba ng LRT Baclaran station ay marami nang pwedeng pagpilian.

Expected prices:
School bags and
trolleys: P350 -P750
Shoes: P350 and above
School supplies: P12 notebooks, P10 pencils, P7 ballpens

4
Commonwealth
Market
Quezon City

By the dozens naman ang mga murang mga school supplies na available sa Commonwealth Market sa Quezon City. Ayon naman sa mga tindera, binababaan naman nila ang presyo kapag pakyawan ang pagbili.

Expected prices:
School bags: P400 – P700
Shoes: P300 and above
School supplies: P14 notebooks, P12 pencils, P8 ballpens
Uniforms: P150 – P300

5
168 Mall
Binondo, Manila

Walang masyadong uniforms sa loob ng 168 mall pero maaari kang makakuha ng deals hindi lang sa bag, sapatos kundi iba pang mga gamit ng bagets para sa eskwela gaya ng sando, panyo, medyas, water jug, baunan, payong, kapote at marami pang iba.

Expected prices:
Socks: P10/pair
Handkerchief: P10 each
Sandong pambata: P50 each
(*mas mura kung bibili ng wholesale)

6
Divisoria
Manila

Siyempre reigning champion pa rin sa pamurahan ng presyo ng school supplies at iba pang gamit sa eskwela ang Divisoria. Sa dinami-dami ng mga tindahan dito, imposible na hindi ka makahanap ng tindahan na aangkop sa budget mong dala.
Diskarte lang ang kailangan para makahanap ng best deals.

Expected prices:
Uniforms: P110 – P200
Shoes: P200 – P300
Bags: P200 and up
School supplies: P10 notebooks,
P8 pencils,
P7 ballpens
(* mas mura kung bibili ng wholesale)

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...