Balita

Word war sa pagitan ni Kris at Mocha sumabog

06/05/2018

SUMABOG ang word war sa pagitan ni Kris Aquino at ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson matapos namang sagutin ng una ang pinakahuling banat ng huli.
“Hindi kita uurungan!”
Ito ang sagot ni Kris sa post ni Uson.
Ipinagtanggol ni Uson ang ginawang paghalik sa labi ni Pangulong Duterte sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kabilang sa Filipino community na kanyang pinuntahan sa South Korea.
Sa isang video post, ikinumpara ni Mocha ang smack kiss nina Duterte at ng OFW sa ama ni Kris na si yumaong dating senador Benigno “Ninoy” Aquino III.
Nauna nang umani ng sari-saring reaksyon ang nangyaring kissing insident
Idinagdag ni Kris, sumobra na at “crossing the line” na ang ginawa ni Mocha.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa isang post sa kanyang Instagram account na @krisaquino.

“Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?”

“Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line.”

“You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita nya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. 💛💛💛👊🏻”

 

 

View this post on Instagram

Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy, hindi parte ng video ko dahil BUHAY siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan nang hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako nang tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line. You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na-disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga niya 'yung apo niya – siya na 'yung pinakanagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni Joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – 'yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. 💛💛💛👊🏼

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...