Sports

Pilipinas talsik na sa Fiba 3×3 World Cup

06/11/2018

SIBAK na ang Philippine team sa ginaganap na Fiba 3×3 World Cup matapos ang nakapanghihinayang na 20-19 pagkatalo laban sa Canada sa Philippine Arena.

Umahon mula sa 15-10 pagkakalubog ang mga Pinoy tungo sa 18-16 kalamangan papalapit sa huling minuto ng laro sa likod ni Roger Pogoy subalit nabigo pa rin umusad sa quarterfinal round nang ipasok ni Michael Linklater ang krusyal na tira sa huling tatlong segundo para kunin ng Canadians ang 20-19 abante.

Hindi naipasok ni Pogoy ang pilit na two-pointer sa sumunod na play na tuluyang nagpatalsik sa pambansang koponan sa kumpetisyon.

Umiskor si Pogoy ng game-high 10 puntos para sa Pilipinas na nahulog sa 1-2 win-loss record katabla ang Russia na tanggal na rin sa labanan.

Maglalaban pa ang Pilipinas at Russia ngayong gabi para tapusin ang kani-kanilang kampanya.

Aabante sa quarterfinals ang Canada (3-0) at Mongolia (3-1) matapos makuha ang top two best records sa Pool C.

Mga iskor:

Canada 20 – Licklater 9, Bucknor 5, Lieffers 5, Sir 1.

Philippines 19 – Pogoy 10, Standhardinger 4, Pringle 3, Rosario 2.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Si Santa nanlibre; gumastos ng P1.6M sa department store

KENNETT SQUARE, Pennsylvania— Napasaya ni Santa Claus ang daan-daang namimili sa Walmart ng bayaran nito...

Sidewalk vendors: Dapat bang kaawaan o kainisan?

MAKAILANG ulit kong napanood sa Facebook page ng MMDA kung papaano magdahilan ang mga Pilipino...

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...