Balita

Pinoy na may internet dumarami, concern sa fake news

By: - 06/12/2018

APATNAPUT dalawang porsyento na ng mga Filipino ang gumagamit ng internet at sa mga ito 67 porsyento ang nagsabi na seryosong problema ang fake news, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Mula sa 38 porsyento noong 2017, tumaas na sa 42 porsyento ang bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng internet ayon sa survey noong Marso. Noong 2006 ay siyam na porsyento at noong 2010 ay 16 porsyento lamang ang gumagamit nito.

Ayon sa 38 porsyento, gumagamit sila ng internet ng araw-araw ng hindi bababa sa tatlong oras, 16 porsyento ang gumagamit araw-araw ng mahigit sa dalawang oras, pitong porsyento ang hindi hihigit sa isang oras kada araw, 18 porsyento ang ilang araw kada linggo at 21 porsyento ang bihira.

Sa mga gumagamit ng internet, sinabi ng 66 porsyento na seryoso ang problema ang fake news sa internet (40 porsyento talagang seryoso, 26 porsyentong medyo seryoso), 20 porsyento ang hindi tiyak kung seryoso o hindi, at 13 porsyento ang hindi seryoso (9 porsyentong medyo hindi seryoso at apat na porsyentong talagang hindi seryoso).
Mas mababa ito sa naitala noong Disyembre—46 porsyentong talagang seryoso, 27 porsyentong medyo seryoso, 20 porsyentong undecided, limang porsyentong medyo hindi at tatlong porsyentong talagang seryoso.

Ang survey ay ginawa noong Marso 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...