Balita

Pagtatakda ng LTFRB sa pasahe ng Grab, ibang TNCs tama lang- solon

By: - 06/13/2018

TAMA umano ang pagpapalabas ng kautusan ng Department of Transportation na nagsasabi na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang magtatakda ng pasahe na sisingilin ng transport network companies.

Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles hindi dapat payagan ang mga TNC na magdesisyon kung magkano ang kanilang sisingiling pasahe gaya ng ginawa ng Grab Philippines.

“We thank the leadership of Sec. Art Tugade in clarifying the role of the LTFRB especially in fare setting. It is very clear that TNCs cannot set their own fares like all other land transport systems. TNCs must have authority from the LTFRB before they offer any services or set any fares, minimum charges, routes, etc.,” ani Nograles.

Sinabi ni Nograles na noon pang 1987 ay itinalaga na ng Kongreso ang LTFRB upang magtakda ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan. “All fare setting of land transportation is exclusive to the LTFRB.”

Nauna ng sinabi ni Nograles na pinapatungan ng P2 per minute ng Grab ang pasahe ng mga sumasakay sa mga partner-driver nito. Hindi umano humingi ng pahintulot ang Grab sa LTFRB upang gawin ito.

Ipinatigil ng LTFRB ang P2/minute charge at umapela naman ang Grab dahil wala na umanong kikitain ang mga driver.

Sinabi naman ni Nograles na ang dapat gawin ng Grab ay bawasan ang milyon-milyong kinikita nito kung talagang ang kapakanan ng mga driver ang kanilang iniisip.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...