Sports

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL PREVIEW

By: , - 07/06/2018

SISIPA na bukas ang NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Silipin kung ano nga ba ang latest sa inyong mga paboritong koponan bago sila muling sumalang sa hardcourt battle.

PERPETUAL HELP ALTAS

MATAPOS makuha ng University of Perpetual Help Dalta System Altas ang kanilang pinakamababang record sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa loob ng anim na taon na 4-14 win-loss kartada noong Season 93 seniors basketball tournament nananatili pa ring malakas ang tiwala ng unibersidad sa koponan.

Kaya pinaghandaan nila ng husto ang kanilang kampanya ngayong darating na Season 94 kung saan sila ang magsisilbing host.

Ang Perpetual Altas, na hahawakan ngayon ni coach Frankie Lim, ay binubuo nina Season 93 Defensive Player of the Year Prince Eze, AJ Coronel, Edgar Charcos, Tonton Peralta, Kim Aurin, Luke Sese, JM Pedrosa, Carl Soriano, Jerome Pasia, Kobe Canoy, Kristoffe Jimenez, JM Pedrosa at ang mga dating Junior Altas na sina Jielo Razon at Jasper Derek Cuevas.

Magsisilbing reserves naman sina Glen Gallardo at ang mula University of Luzon-Dagupan City na si Juanito Libron Jr.

Makakatuwang ni Lim sa paggiya sa Altas ang mga assistant coach na sina Michael Saguiguit, Ferdinand Ali Ali at Gerard Dizon.

Mawawala naman sa lineup ng Altas ngayong Season 94 ang team captain ng koponan na si John Genmar Ylagan at si Gab Dagangon na nakuha sa 2017 PBA Rookie Draft bilang No. 26 overall pick.

Hindi na rin makakapaglaro para sa Altas sina Kervin Lucente at Flash Gordon Sadiwa dahil tapos na ang kanilang playing years sa liga.

Ang Perpetual Help ang magho-host ng NCAA Season 94 kung kaya’t bilang paghahanda inakyat ng coaching staff ng Altas ang mga bagong recruit na galing sa Team B para sa regular team.
Noong Enero ay inanunsiyo ni Perpetual Help team owner Antonio Tamayo na si Lim ang bagong mentor ng Altas.

LETRAN KNIGHTS

BIGO pa rin ang Letran Knights na maiuwi ang tropeyo ng NCAA Season 93 seniors basketball tournament matapos maging kampeon sa Season 91.

Sa nakaraang season ay nagtala sila ng 9-9 win-loss record sa pamumuno ni coach Jeff Napa pero kinapos na makapasok sa Final Four.

Para sa taong ito, ang koponan ay binubuo nina Jeo Ambohot, Christian Balagasay, Jerrick Balanza, Matthew Bernabe, John Paul Calvo, King Caralipio, Joshua De Villa, Tommy Gedaria, Alex Mandreza, Jap Pambid, Chris Pamulaklakin, Daryl Pascual, Kier John Quinto, Jeremiah Taladua, Lance Vacaro at Ivan Villanueva.

Bilang paghahanda sa darating na season ay may mga bagong recruit ang Knights tulad nina dating De La Salle Green Archer Larry Muyang, dating College of St. Benilde Blazer Christian Fajarito at ang dating Batang Gilas na si Fran Yu.

Tanging si Rey Nambatac lang ang mawawala sa lineup ng Knights matapos na umakyat sa PBA.

Sa kabila ng pagkatalo sa mga nakaraang season, target ng koponan na makapasok sa Final Four sa taong ito tungo sa inaasam na kampeonato.

ARELLANO CHIEFS

NOONG Season 93, nagtapos ng Arellano Chiefs sa pang-anim na puwesto matapos ang elimination round na may 9-9 win-loss record at nabigong tumuntong sa Final Four hindi tulad noong Season 92 kung saan sila nagtapos na runner-up.

Sa pagtatapos ng mga top player ng Chiefs na sina Lervin Flores, Kent Salado at Zach Nicholls na dumiretso na sa pro league, inaasahan ni head coach Jerry Codiñera ang pag-step up nina Richard Abañes, Rence Alcoriza, Michael Cañete, Archie Concepcion, Levi Dela Cruz, Allen Enriquez, Brylle Meca, Elie Ongolo, Carl Padilla, Renzil Rivera, Marwin Taywan at Kraniel Villoria para sa hangarin ng Chiefs na muling makabalik sa Final Four.

Mahuhugutan din ng lakas ni Codiñera ang mga bagong recruit tulad nina Fil-American Maui Sea-Josef at dating Arellano high school standout Guilmer dela Torre.

MAPUA CARDINALS

MATAPOS ang back-to-back Final Four appearances, isang malaking bangungot para sa Mapua Cardinals ang pangungulelat sa team standing sa elimination round ng Season 93 sa kartadang 3-15.

Hindi na makakapalaro para sa Cardinals ngayong Season 94 ang mga nagsipagtapos na sa pag-aaral na sina Andrew Estrella, Hesed Gabo, Marvel Jimenez, Renell Magboo, Almel Orquina, at Buenaventura Raflores Jr.

Subalit masasandalan ni coach Atoy Co sina Exeqiel Biteng, Denniel Jay Aguirre, Christian Bunag, John Paul Nieles, Cedric David Pelayo, Laurenz Paul Victoria, Jesper John Bautista, John Cayno Carandang, Enrico Joaquin Garcia, Arvin Gamboa, Eric James Jabel, Herson Pajarillo, Jasper Salenga, Justin Oliver Serrano at ang Malayan high school ace na si Warren Bonifacio na piniling manatili sa Mapua.

Si Bonifacio ay miyembro ng Red Robins na nagkampeon noong Season 92.

Ang NCAA Season 94 ay magbubukas ngayong Sabado, Hulyo 7, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

JRU HEAVY BOMBERS

TANGAN ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang pinakamahabang title drought sa NCAA basketball.

Huling nagkampeon sa liga ang Mandaluyong-based school noon pang 1972. Noong isang taon ay nakapasok ang Bombers sa Final Four matapos magtala ng 11-7 kartada ngunit nabigong makapasok sa finals.

Para sa season na darating, ang JRU ay magmimistulang bagong koponan dahil sa mga baguhang sina John Ronnie Aguilar, Ry Aijer Dela Rosa, Kalen Axel Doromal, Leonardo Esguerra, Darius Duane Estrella, Mark Adrian Mallari, Agem Miranda, Justin John Padua, Jarvy Ramos, Serafin John Santos at Junmark Silvares. Magbabalik naman sa koponan sina Karl Aaron Bordon, Richard John David, Mark Justine Dela Virgen at Jonathan Jed Mendoza.

Nawala sa lineup sina AbdulRazak AbdulWahab, Poutouochi Ayiagnigni, Lloyd Castor, John Ervin Grospe, Lasquety Gio Nicolo, Jomer Mariano, Mate Ivan, John Philip Pontejos, Abdul Wadud Sawat, Aren Paul Sibangan at Bernabe Teodoro.

Magbubukas ang ika-94 season ng NCAA sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

LYCEUM PIRATES

INAKALA ng marami na masusungkit na ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang una nitong kampeonato noong isang taon.

Winalis kasi ng Pirates kanilang elimination round games para sa perpektong 18-0 record at awtomatikong dumiretso sa finals.

Subalit mas lumabas ang championship pedigree ng San Beda University sa best-of-three finals series kung saan naitakas ng Red Lions ang 2-0 sweep para sa kanilang back-to-back crown.

Isa sa mga tinawag na ‘teams to beat’ ngayong season, gigil ang tropa ni coach Topex
Robinson na tuparin ang naudlot na kampeonato noong nakaraang season.

Muling masasandalan ng Intramuros-based squad ang mga bayani ng koponan tulad ng breakout players na kambal na sina Jayce at Jayvee Marcelino na ngayon ay nasa kanilang sophomore year, Mer Jasper Ayaay, Mike Harry Nzeusseu at graduating star CJ Perez katuwang ang mga holdovers na sina Reymar Caduyac, Kim Rico Cinco, Niño Ibañes, Spencer Pretta, Jeffrey Santos, Jeric Serrano at Ralph Christian Tansingco.

Masasandigan din ng Pirates ang mga rookies na sina Carl Lumbao, Germy Mahinay, Enoch Valdez at Rhanzelle Yong.

Nawala man sa roster dahil sa pagtatapos ang kanilang dating players na sina Wilson Baltazar, Aldrich Liwag, Edcor Marata, Gabrille Louis Valencia at Mico Bren Pallares maituturing pa ring powerhouse ang Lyceum.

Bilang paghahanda para sa Season 94, lumahok pa sa skills training na ‘Superhandles Camp of Jon Hildebrandt’ ang reigning season Most Valuable Player na si Perez at Ayaay.
Maituturing umano na ‘best experience’ ito para sa dalawa.

SAN SEBASTIAN

NAGING maganda ang performance ng San Sebastian College-Recoletos Golden Stags sa nakaraang season matapos muling makapasok sa Final Four kumpara sa mga nagdaang taon na lagi silang nasa laylayan ng team standings.

Tinalo ng San Sebastian ang Letran Knights sa dikdikang knockout game para makopo ang fourth seed matapos magtabla ang dalawang koponan na may 9-9 win-loss record sa elimination round.

Pagdating sa stepladder semifinals, giniba ng Stags ang Jose Rizal University Heavy Bombers bago lumuhod sa San Beda Red Lions.

Malaki ang magiging pagbabago sa lineup ng Recto-based dribblers dahil sa pagkawala nina Renzo Navarro, Jayson David, Alfren Gayosa, Alvin Baetiong at Justine Mercado na piniling lumipat sa ibang paaralan para ituloy ang kanilang playing career.

Dadalhin nina Navarro at David ang kanilang talento sa Lyceum Pirates habang pinili ni Gayosa na sumali sa Arellano University Chiefs sa kabila ng pagpapagaling ng ACL injury.

May 6.1 puntos at 4.5 rebound kada laro si Gayosa noong Season 93.

Susubukin naman nina Baetiong at Mercado ang kapalaran sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Sa kabila nito, positibo ang Stags na muli silang makakapasok sa Final Four para sa pag-asang masungkit ang titulo na huli nilang naiuwi noong 2009.

Pangungunahan nina team skippers Michael Calisaan, Allyn Bulanadi at Regille Ilagan ang Stags katuwang ang mga datihang sina Michael Are, John Baytan, John Calma, Alvin Capobres at Ian Valdez sa pagtitimon pa rin ni coach Egay Macaraya.

Dagdag puwersa naman ang hatid ng mga rookies na sina Peter Arciaga, Arjan dela Cruz, Alex Desoyo Jr., Jerico Isidro, Hosea Mananquil, Jessie Sumoda Jr. at Kenneth Villapando.

SAN BEDA RED LIONS

NATALO man ng dalawang beses kontra Lyceum Pirates sa elimination round, kinubra pa rin ng San Beda Red Lions ang ika-10 titulo sa loob ng 12 taon.

Ito ay matapos walisin ng Red Lions ang best-of-three titular series laban sa paboritong Lyceum na agad dumiretso sa finals matapos magtala ng 18-0 win-loss record.

Isa sa ‘teams to beat’ ngayong season, halos walang nabago sa roster ng Red Lions. Tanging ina Davon Potts, Ben Adamos at Arnaud Noah lang ang nawala sa lineup ng San Beda.

Naglalaro na sa Alaska Aces sa PBA si Potts habang lumipat sa Perpetual si Adamos at natapos na ang playing years ni Noah.

Sasandalang muli ng Mendiola-based cagers sina graduating stars Javee Mocon at Robert Bolick na kapwa kabilang sa ‘23 for 23’ pool ng Gilas Pilipinas.

Nananatiling powerhouse ang Red Lions na muling gagabayan ni coach Boyet Fernandez dahil bukod kina Bolick at Mocon nasa koponan pa rin ang mga birador na sina AC Soberano, Clint Doliguez, Jose Mari Presbitero at Ranbill Tongco kasama sina Cameroonian Donald Tankoua, Franz Abuda, Jeramer Cabañag, Kenmark Cariño, Calvin Oftana at Brylee Bahio.

Upang mapagtibay ang hangaring masungkit ang 3-peat, tinapik ng Red Lions ang Cebuano bigman na si Alex Visser na siyang 24th-ranked high school player prospect sa NBTC rankings.

Kinuha rin ng Red Lions si Eugene Toba mula Nigeria bilang pangalawang foreign player kapalit ni Noah habang sina Amie Cuntapay, James Kwekuteye, Evan Nelle at Pedro Alfaro ang kukumpleto pa sa mga bagong recruit.

Haharapin agad ng San Beda ang dati nitong coach na si Frankie Lim na mamanduhan ang Perpetual ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa pagsisimula ng NCAA Season 94.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

Masusubok ang katatagan ng Emilio Aguinaldo College dahil sa pagkawala ng top players nito na sina Sydney Onwubere at Francis Munsayac.

Nagpa-draft na si Onwubere sa PBA at naglalaro na para sa Rain or Shine ElastoPainters habang si Munsayac ay nasa Imus Bandera ng MPBL.

Sa kabila nito, makakaasa si coach Ariel Sison na itatayo pa rin nina Jeric Diego, Renzo Tampoc, Rustan Bugarin, Jesse Bautista, Jerome Garcia, Laminou Hamidou, Jethro Mendoza at Sean Andrew Neri ang bandera ng EAC.

Huhugot din ng lakas ang General sa mga bagong saltang sina Charles Cadua, King Fuentes, Renz-Ivis Gonzales, John Paul Maguliano, Arjell Natividad, Ralph Robin, Edric Estacio, Gerard Sarmiento at high-scoring rookie na si Maui Cruz.

Magiging determinado at positibo ang Generals na makakuha ng maraming panalo ngayong season upang maungusan ang seventh place finish noong isang taon (7-11 kartada) at makatuntong sa playoffs.

Hindi pa nagkakampeon o nakakapasok sa Final 4 ang EAC mula maging opisyal na miyembro ng NCAA noong 2009 (Season 85).

Ang pinakamagandang naging performance ng Generals ay ang ikalimang puwesto noong 2013 (Season 89) kung saan nagtala sila ng 10 panalo at walong talo.

COLLEGE OF ST.BENILDE BLAZERS

Nakamit ng College of St.Benilde ang una nitong kampeonato taong 2000, dalawang taon matapos ang pagsali sa liga.

Taong 2002 naman nang huling matikman ng Blazers ang Final 4 appearance ngunit matapos noon ay hindi na umangat pa ang koponan.

Noong isang taon, lumagpak sa pangwalong puwesto ang Blazers na tumapos na may 4-14 kartada.

Kaya naman pipilitin ni coach TY Tang at ng kanyang tropa na maiangat ang Taft-based dribblers nang sa gayon ay muli silang makabalik sa Final 4.

Nananatili sa roster ng Blazers sina Kendrix Belgica, Edward Dixon, JJ Domingo, Yankie Haruna, Clement Leutcheu, Unique Naboa, Luis Velasco at Carlos Young kasama ang mga bagong recruits na sina Joshua Barnes, Ray Carlos, Robi Nayve, Renzo Pagulayan, Frederick Pasturan, at Filipino-American forward Justin Gutang.

Nawala naman sa roster sina Breo Bunyi, Gerard Castor, Matthew Johnson, Eric Pili, Dino San Juan, Rene Sta. Maria Rene at Carl Suarez.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...