Sports

END OF AN ERA: TONY PARKER NILISAN NA ANG SPURS, LILIPAT SA HORNETS

07/07/2018

TULUYAN nang tinapos ni NBA player Tony Parker ang 17 taon sa San Antonio upang sumapi sa Charlotte ngayong bagong season ng NBA.

Nakatakdang pumirma ang 2007 NBA Finals MVP ng two-year deal contract na nagkakahalagang $10 milyon sa Hornets matapos ang halos dalawang dekadang paglalaro sa Spurs.

Kabilang ang 36-year old point guard sa tinaguriang Spurs’ Big Three kung saan kasama niya ang nauna nang nagretiro na si Tim Duncan at ang nananatiling shooting guard ng koponan na si Manu Ginobili.

Sa paglipat ni Parker sa Hornets, inaasahan ang muling pagkikita nila ng dating Spurs assistant coach na si James Barrego, na ngayon ay siyang bagong coach ng Hornets.

Inaasahan rin ang tulong na maibibigay ni Parker sa koponan bilang back up guard ni Kemba Walker.

Mainit naman siyang tinanggap ng ilang Hornets kabilang na si Nicholas Bartum na naging teammate nito sa French national team.

Noong nakaraang season, nakapaglaro lamang ang NBA veteran ng 55 games kung saan may average itong 7.7 puntos at 3.5 assists kada laro dahil sa iniinda nitong quadriceps injury.

Tinapos ni Parker ang karera nito sa San Antonio na may apat na NBA titles na naiuwi nila noong 2003, 2005, 2007 at 2014.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

LOOK: Compilation of proposed SEA Games logo na mas may kwenta

A netizen posted an open letter to Department of Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano...

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...