Sports

SPORTS BITS

07/09/2018

MAGLALARO para sa National University ang Gilas cadet na si Troy Rike kahit pa nakapaglaro na siya ng apat na taon sa Wake Forest University ng NCAA Division sa Estados Unidos.

Kwalipikado pa rin ang 22-anyos na si Rike na gugulin ang isang taon ng collegiate basketball sa Pilipinas.

Hindi na sasailalim sa one year residency ang Fil-American dahil kukuha naman siya ng master’s degree.

Masasaksihan si Rike sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kung saan makakasama ng 6-foot-7 forward ang magkapatid na Shaun at Dave Ildefonso, Dave Wilson Yu at John Lloyd Clemente sa kampo ng Bulldogs. – Inquirer.net

q q q

IREREPRESENTA ng Ateneo de Manila University ang Pilipinas sa 40th William Jones Cup sa Sabado, Hulyo 14 sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Ito ang unang pagkakataon na magpapadala ang bansa ng collegiate squads sa nasabing invitational event.

“We wish the Ateneo Blue Eagles good luck in this endeavor, they will be representing our country to the best of their will,” sabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Sonny Barrios.

Magbibigay ang Chooks-to-Go, ang masugid na tagasuporta ng Gilas Pilipinas, ng pinansyal na suporta sa Blue Eagles.

Ibinulsa ng Ateneo ang ikasiyam na kampeonato sa UAAP noong Season 80 at ang ikalawang Filoil Preseason Cup title nitong summer break. – Inquirer.net

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...