Sports

PILIPINAS, IRAN GIRIAN AGAD SA ASIAN GAMES

07/09/2018

MAGTATAPAT agad ang Pilipinas at perennial rival Iran sa men’s basketball ng 2018 Asian Games matapos mapabilang sa isang bracket sa ginanap na draw ceremony noong Huwebes.

Nagharap ang dalawang koponan noong 2014 Incheon Games kung saan naungusan ng Iran ang Gilas sa preliminary match, 68-63.

Nagtapos ang Gilas sa pampitong pwesto nang talunin ng China, 78-71, sa semifinals habang nauwi naman ng Iran ang silver medal matapos makasagupa ang naging gold medalist na South Korea.

Makakaharap naman ng South Korea ang ilan pang bansang napabilang sa Group A tulad ng Mongolia, Indonesia, at Thailand.

Kasama ring makikipagsagupaan ng Gilas at Iran ang iba pang Middle East countries gaya ng Syria at United Arab Emirates sa Group B.

Magtatagisan naman sa Group C ang Japan, Qatar, Chinese, Taipei at Hongkong.

Makakaharap naman ng China ang Kazakhztan at Palestine sa Group D.

Huling nagkampeon ang pambansang koponan sa kada apat na taong Asiad noon pang 1962 habang ang huling podium finish ng bansa ay ang tansong medalya noong 1998 edition sa Bangkok, Thailand.

Bubuuin nina TNT players Jericho Cruz, Don Trollano, Anthony Semerad, Kelly Williams, Gilas cadets Ricci Rivero, Kobe Paras at Abu Tratter ang koponan kasama sina Andray Blatche, Terrence Romeo, Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy sakaling hindi suspendihin ng Fiba matapos ang rambulan ng Gilas at Australia sa Fiba World Cup Qualifier. -Beverly Samarita, trainee

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

LOOK: Compilation of proposed SEA Games logo na mas may kwenta

A netizen posted an open letter to Department of Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano...

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...