KUNG parurusahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga driver ng pampasaherong jeepney na naningil ng P1 kahit wala pang Order ang provisional increase, dapat ay parusahan din ang Grab Philippines.
Sinabi ni PBA Rep. Koko Nograles na dapat ay maging patas ang LTFRB sa pagpaparusa sa transport sector.
Ayon kay Nograles mistulang binalewala nanaman ng Grab ang kapangyarihan ng LTFRB sa bago nitong scheme na paniningil ng P100 booking fee mas malaki sa P40 na itinakda ng ahensya.
“LTFRB threatens drivers who overcharge by one peso, yet treat with kid gloves the multi billion company that has been caught lying many times,” saad ng solon. “”The law should apply to all. Our hapless jeepney drivers should not be used as punching bags just to show our regulators are dutifully enforcing our laws.”
Sinabi ni Nograles na sa ilalim ng Joint Administrative Order no. 2014-01, ang mga Transport Network Company ay katulad ng Grab ay dapat na parusahan sa bawat paglabag gaya ng mga pampasaherong jeepney.
“Barya-barya lang ang kinikita ng ating mga jeepney drivers tapos napag-iinitan pa sila samantalang ang Grab ay kumikita ng P20 Million bawat araw na laway lang ang puhunan.”
Sinabi ni Nograles na iligal ang P2 per minute charge na ipinatupad noon ng Grab. Umabot umano sa P67 milyon ang kinita ng Grab sa P2/minute na singil.
“Then Grab is liable for PHP335 Billion in fines, which the LTFRB has yet to collect.”