Sports

TIKAS NI PACQUIAO SUSUKATIN NI MATTHYSSE

By: - 07/09/2018

@inquirer_libre

Handang patunayan ni Manny Pacquiao na mayroon pang natitirang gasolina sa kanyang tangke bilang boksingero.

Pruweba ng pagiging “in good shape” ng 39-anyos na si Pacquiao ang pagpapabagsak sa sparmate na si Gherich Chavez gamit ang solidong suntok sa panga habang nasa isang sparring session sa General Santos City.

Haharapin ng magsisilbing challenger na si Pacquiao si Lucas Matthysse, ang nagtatanggol na kampeon ng World Boxing Association (WBA) welterweight division, sa Linggo, Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 42 taon na magho-host ang Malaysia ng laban tampok ang isang boxing great kasunod ng bakbakan ng maalamat na si Muhammad Ali at Joe Bugner noong 1975.

Gigil si Pacquiao na ibangon ang sarili matapos ang isang taong pamamahinga kasunod ng masaklap na pagkatalo sa kamay ng Australian fighter na si Jeff Horn.

Hinubad ni Horn ang World Boxing Organization (WBO) belt ni Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous 12-round decision noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia.

Kaya tatangkain ni Pacquiao na patalsikin si Matthysse sa trono para sa hangad na ika-12 world title.

Huling nanalo si Pacquiao noon pang Nobyembre 2016 kontra Jesse Vargas.

Naniniwala naman si coach Buboy Fernandez na kayang patulugin ni Pacquiao si Matthysse dahil na rin sa masinsinang training camp nito na tumagal ng halos apat na buwan.

Huling nakaiskor ng knockout si Pacquiao walong taon na ang nakalilipas laban kay Juan Manuel Marquez.

Ito rin ang unang beses sa mahaba at makinang na karera ng senador ng Pilipinas na hindi ang multi-titled at Hall of Famer mentor na si Freddie Roach ang humawak sa kanyang
ensayo.

Ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernandez ang pumalit sa puwesto ni Roach.

Sa paggabay ni Roach na naging ‘ama’ ni Pacquiao sa loob ng 16 na taon at 34 na laban, nakamit ni Pacquiao ang pagiging tanging boksingero sa kasaysayan na nagkampeon sa walong magkakaibang weight classes na kinatampukan din ng mga epikong bakbakan kontra sa mga superstars tulad nina Marquez, Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Miguel Cotto, Oscar dela Hoya, Ricky Hatton at Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Pacquiao sa mga ulat na ang kahahantungan ng labang ito ang magdidikta kung dapat na ba niyang tuluyang isabit ang boxing gloves.

Samantala, galing ang delikadong Argentine warrior na si Matthysse sa back-to back knockout wins kaya inspirado ito na patumbahin ang Filipino icon.

Pinabagsak ni Matthysse si Emmanuel Taylor ng USA Mayo 2017 sa pamamagitan ng technical knockout sa fifth round para makopo ang bakanteng WBA Inter-Continental at WBO International welterweight titles na sinundan ng round 8 knockdown kay Tewa Kiram ng Thailand nitong Enero para isukbit sa kanyang baywang ang bakanteng WBA (Regular) welterweight belt.

Humigit kumulang apat na buwan ang paghahanda ng 35-year old defending champion sa Amerika at Argentina.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

LOOK: Compilation of proposed SEA Games logo na mas may kwenta

A netizen posted an open letter to Department of Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano...

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...