Balita

Pag-iwan sa 2-anyos na bata sa loob ng kotse sa Pasig binatikos ng mga netizen

07/09/2018

NAG-viral ang isang video matapos namang makuhaan ng isang concerned citizen ang isang batang umiiyak habang nakakulong sa isang sasakyan sa Pasig.

Natagpuan ng netizen na si Jasper Pascual ang dalawang taong gulang na bata sa loob ng isang Toyota Fortuner habang pauwi na noong nakaraang gabi mula sa Metrowalk.

Sa video na kinuhanan at pinost ni Pascual sa kanyang Facebook account, makikita ang pag-iyak ng bata habang nakasilip ito sa bintana.

Ayon kay Pascual, heavily tinted daw ang sasakyan kaya’t hindi niya maaninag kung may kasama ba ang bata sa loob.

Nang mapagpasyahan raw ng saksi na bumalik na sa sariling sasakyan na katabi ng Toyota Fortuner, nagsimula raw paluin ng bata ang bintana at mas lumakas ang iyak nito.

“Nagulat ako kasi walang kasama ‘yung baby. Nasusuffocate na siya. And hindi din nakastart yung car so walang aircon. Imagine! Sa dilim ng parking lot ng Metrowalk maiisip mo ba na may baby sa loob ng kotse na walang kasama?” pahayag ni Pascual.

Nagpatawag ng guard si Pascual upang hanapin ang magulang ng bata.

Ngunit ayon sa kanya, naaktuhan pa daw nito na pinapagalitan ng isa sa magulang ang guard kung bakit sila ipinatawag pa.

Nanindigan naman daw ang nasabing guard at nagpaliwanag na maaari silang mahuli dahil sa nangyari.

Ayon sa saksi, ibinilin na lamang ang nasabing pangyayari sa guard upang makaiwas na rin sa gulo.

Pinili na ring hindi ilabas ni Pascual ang mga mukha ng mga magulang ng bata.

“Maging lesson na lang sana ‘to sa lahat na wag na maulit. Wag puro saya. Isipin mo muna anak mo… Magtanda na kayo! May anak na kayo maging responsable na kayo aba!” paalala ni Pascual.

Umabot na ng 6.5 million views, 190,000 likes at 200,000 shares ang nasabing post sa loob lamang ng halos isang araw.

Hindi pa malinaw kung makakasuhan ba ang mga magulang ng bata dahil sa pangyayari. (Beverly Samarita- OJT)

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mocha: I decline to apologize

SORRY, Mocha isn’t sorry. Hindi raw magso-sorry si Mocha Uson kahit pa nauna nang nag-sorry...

Trending today: College graduate pinabilib libo-libong netizens

TRENDING ang isang college graduate ngayon dahil may kakaiba siyang kuwento na naging inspirasyon ng...

Executive Order sa ‘endo’ pinirmahan ni Digong

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order na tatapos sa illegal contracting, na kanyang ipinangako...

More than 10 reasons bakit in demand ang PUP graduates

Ayon sa survey ng JobStreet.com Philippines, ang mga graduates mula sa Polytechnic University of the...

500 driver ng Grab pinarusahan

PINARUSAHAN ng Grab Philippines ang may 500 nitong drivers noong isang linggo matapos ang isinagawang...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...