Showbiz

Newbie wins Eddys’ Best Actress; ‘Respeto’ humakot ng parangal

By: , - 07/10/2018


BEATING award-winning actresses sa kategoryang Best Actress, masayang-masaya si Mary Joy Apostol ng Birdshot when she went on stage to claim her award sa ikalawang taon ng EDDYS awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

It was her first award na personal niyang tinanggap.

Nakausap namin siya backstage, at kwento niya, yung ibang panalo nya sa mga international film festival ay hindi niya nagawang kunin dahil sa labas ng bansa ito ginaganap.

Natalo ni Mary Joy sina Joana Ampil para sa “Ang Larawan”, Sharon Cuneta para sa “Unexpectedly Yours”, Bela Padilla para sa “100 Tula Para Kay Stella” at si Alessandra de Rossi para sa “Kita Kita”.

Kwento nya, hindi nya akalain na magkakaroon siya ng chance na manalo dahil magagaling ang ibang nominees.

“Ngayon pong Eddys po talaga wala po talaga akong idea dahil nakita ko nakita ko naman po yung mga kasamahan ko and talagang iniidolo ko din po yung mga ‘yon so sobrang unexpected po.”

Hindi pa ba ito nasisink-in ngayon?

“Hindi pa rin po. Actually kahit po yung after ng Birdchot ang hirap pong mag sink in sakin kasi, di ko po ine-expect na mangyayare po sa life ko yung mga ganitong marerecognize ako even po sa ibang bansa. Sobrang blessed po.”

Pinakwento rin namin siya kung paano siya dati bago siya pumasok ng showbiz at bago ang pelikulang Birdshot. Binago kasi ng pag-ganap nya dito ang kanyang buhay.

“Actually sobrang simple ko lang po talaga before. Hindi ko, kahit nung bata palang po ako hindi ko po ine-expect na mapapanood ako sa tv, na makaka-acting ako. After po talaga nung birdshot dun na po talaga nabago yung buhay ko like before po kasi like a-acting din po ako pero sa mga business films pero once po nung nag Birdshot ako nandun na po yung ibang portion like may mga kumukuha na po saken, may mga nagtitiwala na po sa performance ko and sobrang happy po ako.”

Between then, natapos na rin recently ni Majoy (palayaw nya) ang kursong Tourism Management sa kolehiyo sa Bulacan.

For now, wala pang regular projects si Mary Joy pero tiyak magkakaroon na ito ng mas maraming opportunities dahil sa dagdag na parangal na natanggap nya.

Anyway, Hakot Awards naman ang pelikulang “Respeto” dahil naiuwi nito ang Best Film, Best Supporting Actor, Best Musical score, Best Sound Design at Best Original Theme Song.

Si Aga Muhlach naman ang tinanghal na Best Actor para sa pelikulang Seven Sundays.

Three-way tie naman sila Angeli Bayani para sa “Maestra”, Chai Fonacier para sa “Respeto” at Therese Malvar para sa “Ilawod” sa kategoryang Best Supporting Actors.

Narito ang iba pang listahan ng mga nanalo:

Best Director
Mikhail Red

Best screenplay
Eric Cabahug DEADMA WALKING

Best cinematography
Mycko David BIRDSHOT

Best visual effects
ANG PANDAY

Best editing
Marya Ignacio KITA KITA

Best production design
Gino Gonzales ANG LARAWAN

Narito naman ang special awards na binigay nang gabing iyon:

Film icon tribute
Charo Santos
Nora Aunor
Maricel Soriano
Eddie Garcia
Susan Roses

Manny Pichel award
Mario Hernando

Joe Quirino award
Ricky Lo

Posthumous Honorees
Maryo J. Delos Reyes

Rising Producer Circle
Roselle Monteverde Regal Entertainment
Veronique del Rosario Viva films

Producer of the Year
Vic Del Rosario Jr.

Best dress celebrity
JC Santos
Sanya Lopez

Stars of the night
David Licauco
Andrea Torres

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...