Sports

KOBE PARAS BAGONG FIGHTING MAROON

07/11/2018

MAGIGING parte na ng University of the Philippines ang Gilas cadet na si Kobe Paras matapos lumipat mula sa Cal State Northridge sa California, USA.

Hindi na maitago ang excitement ng ilang Fighting Maroons nang opisyal nang naging kasapi ang 20-anyos na rising star Martes.

Inaasahan din ang ibang lakas na ipapamalas ng koponan sa susunod na taon (Season 82) ng UAAP dahil sa power lineup nito na kabibilangan nina Paras, Ricci Rivero at Bright Akhuetie.

Tulad nina Rivero at Akhuetie, maglalaan din si Paras ng one-year residency bago makapaglaro.

Ayon naman sa statement ng UP Maroon coach na si Bo Perasol, hindi makakasama si Paras sa training ng koponan sa Serbia at Croatia dahil sa family matters.

Naunang sumapi si Paras sa UCLA Bruins noong 2015 matapos gugulin ang high school sa College of Sr.Benilde kung saan sila naging magkakampi ni Rivero bago lumipat sa Creighton University matapos ang isang taon kung saan nakapaglaro ito ng 15 laro para sa Bluejays.

Nakatakda sanang maglaro para sa California State University si Paras noong 2017 ngunit nang umalis ang head coach nito na si Reggie Theus, inanunsyo rin ni Paras Marso ngayong taon na nais na niyang ipagpatuloy ang karera bilang professional basketball player.

Sa desisyong ito ni Paras, sinundan niya ang yapak ng amang si Benjie na bahagi ng UP team na nagkampeon noong 1986.

Iyon ang huling titulo ng Fighting Maroons sa UAAP men’s basketball. -Beverly Samarita, trainee

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

LOOK: Compilation of proposed SEA Games logo na mas may kwenta

A netizen posted an open letter to Department of Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano...

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...