Column

Attention riders: Alam n’yo ba na bawal ang lane-splitting?

By: - 07/12/2018

Photo grabbed from change.org

LANE splitting  means using or sharing a lane already occupied by one vehicle by another vehicle such as a motorcycle or scooter in a road or highway.

Ugali ng mga motor riders sa lansangan ang mag-lane-splitting.   Ito yung bumabagtas sa gitna ng linya ng mga sasakyan o magtabi-tabi sa isang lane. Ito madalas ang pinagmumulan ng disgrasya o away sa pagitan ng mga kotse at motorsiklo dahil madalas ang aksidente dahil sa gawaing ito ng mga motorsiklo.

Sa LTO Admninistrative Order AHS-2008-15, nakasaad sa Section 1 Paragraph D ang depinisyon ng Lane Splitting.

Sa Section 9 Paragraph C naman ay particular na sinasabi na bawal ito – “c) A driver/rider shall observe the rule and on one lane per one vehicle only. Lane splitting is prohibited along a road or a highway. Motorcycles or scooters shall not be operated on sidewalks.”

Pero ang nakakatawa, ang mga riders (yan ang tawag sa mga nakamotorsiklo) sa pagtatanggol nila na legal ang lane-splitting dahil legal daw ito sa California, USA.

Opo sa California po ay legal ito, pero may mga restriction din sila roon tulad ng hindi pagtakbo ng trapiko mahigit sa 10miles-per-hour (mga 15kph dito) para magawa ang lane splitting. Sa Pilipinas ay bawal pa din ito sa batas.

Ang ibig sabihin ng batas kontra lane-splitting ay simple, hindi puwede ang dalawang sasakyan sa isang lugar sa “lane’ sa kalsada. Ito ay dahil sa batas ng “right of way” na ang sinasaad na isang sasakyan lamang sa isang espasyo sa linya sa kalsada. Importante ang alituntunin na ito sa maayos at ligtas na pagtahak ng mga sasakyan sa ating mga lansangan.

Hindi rin maaari na tahakin ng mga motorsiklo ang guhit sa gitna ng mga lanes na nakasanayan na ng mga riders natin.

Maraming pagkakataon na delikado ang lane-splitting. Minsan ay may biglang pinto ng auto ang bumubukas na siyang dahilan ng pagsemplang ng motorsiklo na dumadaan sa gitna. Delikado rin na hindi makita ang motor ng driver ng malalaking sasakyan tulad ng trak at bus at maipit ang rider.

Subalit ang pinaka-importante sa batas na ito ay ang dahilan na mayroon dapat sapat na distansiya ang bawat sasakyan sa lansangan sa isa’t-isa upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Ang problema sa atin, ang mga traffic enforcers ay pawang mga naka-motorsiklo rin kung kaya’t mas tinututukan nila ang gusto nilang magawa sa motoriklo imbes na ipatupad ang batas.

Oo nga pala, nabasa niyo ba ang huling bahagi ng Section 9 Paragraph C ng batas na ito? Yung sinasabing bawal sa motorsiklo sa sidewalk? Hindi rin ito sinusunod o sinisita ng mga traffic enforcers o pulis.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...