Sports

Philippine Blu Girls hahataw sa World Championship

07/30/2018

HANGAD na makarating sa Olympics, magpapakitang gilas ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball World Championship 2018 na gagawin mula Agosto 2-12 sa Chiba, Japan.

Isa ang World Baseball Softball Confederation- sanctioned competition sa apat na eksklusibong international tournaments na qualifier para sa 2020 Tokyo Olympics.

Masisikwat ng magkakampeon o runner-up (sakaling Japan ang magwagi) ang isa sa anim na silya sa 2020 Games. Awtomatikong pasok na ang Japan bilang ito ang host country.

“The Blu Girls are the strongest national team ever assembled and they have shown it last year by consistently beating Top 10 teams in the world,” sabi ni Amateur Softball Association of the Philippines president Jean Henri Lhuiller.

Binubuo nina Lorna Adorable, Cheska Altomonte, Mary Ann Antolihao, Dianne Arago, Layca Basa, Arlyn Bautista, Garie Blando, Shaira Damasing, Sky Eleazar, Reese Guevarra, Ezra Jalandoni at Serra Lange ang Blu Girls.

Magsisilbing paghahanda rin ito ng bansa para sa 18th Asian Games sa August 18-September 2 sa Indonesia.

Hinati sa dalawang grupo ang 16 na kalahok mula sa limang Olympic continents.

Makakaharap ng World No.15 Philippines sa Group A ang No.1 USA, No.5 Chinese-Taipei, No.6 Puerto Rico, No.7 Mexico, No.8 Netherlands, No.11 New Zealand at No.35 South Africa habang magbabakbakan ang No.2 Japan, No.3 Canada, No.4 Australia, No.9 Italy, No.14 China, Great Britain, No.17 Venezuela at No. 33 Botswana sa
Group B.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...