Showbiz

Remake ng Meteor Garden mapapanood na sa ABS-CBN sa Agosto 20

By: - 08/02/2018

 

MULING magbabalik ang kinakikiligan at pinagpapantasyahan na boy band ng Asia na ‘F4’ sa pag-ere ng Chinese version ng Meteor Garden ngayong Agosto 20 sa ABS-CBN.

Sa pag-ere ng Meteor Garden 2018, makikilala na ang bagong mukha ni Dong Shan Cài at ng F4.

Gagampanan ni Shen Yue ang Chinese character ng kilalang mabait ngunit palaban na si Dong Shan Cài.

Si Shen Yue ay kilalang bumida sa web series hit na A Love So Beautiful kasama ang Chinese actor at model na si Wu Yi Tian noong 2017.

Pagbibidahan naman ng mga anticipated Chinese hearthrobs ang bagong F4.

Pangungunahan ni Dylan Wang ang F4 sa pagbibigay katauhan sa karakter ni Dao Ming Si na siyang leader at boss ng grupo.

Kilalang modelo si Wang sa China at lumabas na rin ito sa ilang variety shows at commercial. Minsan nang na-feature si Wang sa Harper’s Bazaar China dahil sa galing nito sa pag-acting.

Gagampanan naman ng Taiwanese na si Kuan Hong o mas kilala sa screen name na Darren Chen ang tahimik at mabuting kaibigan ni Dao Ming Si na si Hua Ze Lei.

Lumabas na rin si Chen sa iba pang chinese tv series tulad ng Proud To Love Season 1 at Season 2.

Si Connor Leong naman ang gaganap sa playboy character ni Mei Zuo.

Kilalang aktor at modelo si Leong kung saan nakasama na siya sa ilang series gaya ng Midnight Food Store at pelikulang Huang Fei Hong.

Naging kauna-unahang television role naman ni Caesar Wu ang pagbibigay-buhay sa karakter ng multi-talented potter, playboy at tea connoisseur na si Xi Men.

Ayon sa balita, naglaan ang buong produksyon ng US$ 24 million kung saan nahigitan nito ng 30 beses ang orihinal na bersyon noong 2001. Si Angie Chai naman ang producer na siya ring kilalang nagproduce ng naunang Meteor Garden.

Dahil dito, marami ang nag-aabang at sumusubaybay sa bagong mukha ng Meteor Garden.

Noong 2001, naunang isabuhay ng Taiwan ang nasabing manga at ipinalabas ang unang bersyon ng Meteor Garden.

Pinangunahan ito ng sikat na Taiwanese actress, singer at tv personality na si Barbie Shu at ginampanan ang karakter ni Shan Cài.

Naramdaman naman ang malaking F4 fever nang gampanan nina Jerry Yan (Dao Ming Si), Vic Zhou (Hua Ze Lei), Vaness Wu (Mei Zuo) at Ken Chu (Xi Men) ang F4.

Kasunod nito, gumawa naman ang Japan ng sarili nitong adaptation na ‘Hana Yori Dango’ noong 2005.
Taong 2009 naman ipinalabas sa Korea ang adaptation rin nito na ‘Boys Over Flowers’.
Hango ang Asianovela sa isang sikat na Japanese shojou manga na Hana Yori Dango (Boys Over Flower).

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...