Showbiz

Honeymoon nina Anne at Erwan gagawin sa South Africa; handa na rin sa kanyang concert

08/05/2018

MATUTULOY na ang honeymoon nina Anne Curtis at Erwan Heussaff matapos ang isang taon ng kanilang pagpapakasal sa Queenstown, New Zealand.

Ibinalita ng TV host-actress sa mediacon ng kanyang major concert na “AnneKulit: Promise Last Na ‘To” na magaganap sa Aug. 18 sa Araneta Coliseum. Sa November sila aalis papuntang South Africa para isabay na rin sa celebration ng kanilang first wedding anniversary.

Inamin ni Anne na talagang naging super busy siya sa kanyang career this year kaya hindi na sila nakapag-honeymoon ng asawa.

“Actually this year has been very crazy, yung schedule ko for BuyBust, Aurora, itong concert, then Showtime. Actually ka-text ko siya kanina and he’s saying, ‘When will I get to have dinner with you? Just the two of us?’ Then sabi ko, ‘Soon,'” ang pahayag ni Anne sa harap ng entertainment press.

Kaya nga after ng concert niya, maghahanda na silang mag-asawa sa kanilang long vacation, “After this concert, I think mas kokonti na ‘yung schedule ko. It will be more on Showtime na lang muna ang hihingin ko. And then, of course, we’re going on our honeymoon in November.

“‘Yun talaga, may time naman ako for him. We’re going to South Africa. We’re very excited because it will be a long leave kasi one year ‘di ba bago mag-honeymoon? Pinagbigyan niya ako du’n, so I’ll give this to him naman,” hirit pa ni Anne.

Samantala, promise ni Anne sa kanyang fans and supporters na last na talaga ang “AnneKulit” concert niya sa Araneta this coming Aug. 18, handa na raw siyang i-give up ang kanyang singing career at magpo-focus na lang sa acting and hosting. Ito na rin daw ang magsisilbing selebrasyon para sa 21st anniversary niya sa showbiz.

Ayon kay Anne, tinatanaw niyang malaking utang na loob sa lahat ng mga taong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at sa kanyang “AnneKulit” concert nga raw ipakikita ang naging journey niya sa loob ng 21 years.

Pasabog kung pasabog daw ang lahat ng gagawin niya sa concert, literal daw niyang iikutin ang Araneta para paligayahin ang mga manonood. Sey pa ni Anne bukod sa nag-voice lesson siya bonggang-bongga rin daw ang mga gowns and outfits na isusuot niya, baka nga raw mas mahal pa ang mga ito sa mismong cost ng concert niya.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang pakikipag-showdown sa kanyang mga special guests, tulad ni Sarah Geronimo, Aegis at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Makakasama rin sa “AnneKulit” sina James Reid, Ex Battalion, directed by Paul Basinillo with Louie Ocampo as musical director and Teacher Georcelle as dance director.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

ARE YOU AFRAID OF GHOST (MONTH)?

DID you know na ang ghost month ay isang Chinese tradition na nagsisimula Agosto 11...

‘SINGLE’ BAWAL SA EDSA MAKATARUNGAN NGA BA?

SA inilabas na balita ng Metropolitan Manila Development Authority sinasabi na ipatutupad na nila ang...

May halaga pa ba ang piso mo?

HOW much your peso worth? Lalo umanong lumiit ang purchasing power o halaga ng suweldo...

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang...

P1.15/L taas presyo sa gasolina; P0.95/L sa diesel

PANIBAGONG oil price hike na naman ang gugulat sa mga motorista bukas, Martes. Inanunsyo ng...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...