Column

MOTORISTS, agree or disagree: PH road signs not visually helpful?

By: - 08/08/2018

MARAMING nagtatanong sa akin kung bakit ang Pilipino kapag narito sa Pilipinas ay parang walang disiplina sa lansangan. Hindi marunong sumunod sa linya, laging tagilid ang puwesto sa lansangan, mahilig sumingit lalo na pag malapit na ang lilikuan.

Pero kapag nasa ibang bansa naman o kaya sa mga lugar tulad ng Subic ay maayos sila at sumusunod sa batas trapiko.   Bakit doon ay meron silang disiplina?

Matagal ko din itong pinag-aaralan, di lang dito sa bansa natin kundi kapag ako ay nasa dayuhang lupa din. Sinilip ko kung ano ang meron at wala sa atin kumpara sa mga disiplinadong bansang pinupuntahan ng Pilipino.

Narito ang ilan:

1. Tamang pagpapatupad ng batas

Ang una kong napansin ay ang tamang pagpapatupad ng batas. Hindi na ito bago sa pandinig dahil palagian na rin itong bukambibig ng mga opisyal at ordinaryong mamamayan.

2. Naglalakihang road signs

Ang pinakamalaking kaibahan sa lansangan natin at sa ibang bansa, sa aking pananaw ay ang naglalakihang mga road signs na nagsasabi sa mga motorista kung ano ang dapat nilang gawin, saan sila dapat lumugar, at kung kalian nila ito dapat simulant.

Ang mga road signs na ito ay sinlaki ng mga billboard na makikita mo sa EDSA, pero imbes na mga halos hubad na models na nagbebenta ng kung anong produkto, ay mga directional signs ang nakalagay dito.

Silipin ninyo ang mga road signs na ito sa America. May isinama akong litrato para maintindihan natin ang tinutukoy ko.

Malaki pa sa kotse at truck ang mga road signs na ito na nagsasabi kung para saan ang linya sa highway nila.

Importante ito. Dahil kung maaalala ninyo, ang ating elementary schools ay puno ng ganitong mga directional signs dahil ayon sa pag-aaral, mas madali sumunod ang mga bata sa direksiyon kung visually nilang nararanasan ito. Ganun din naman sa mga may edad na at nagpapatakbo ng sasakyan.

3.  Corrupt traffic enforcers

Ito rin ang solidong basehan ng isang traffic enforcer kapag sinita niya ang isang traffic offender, may nakasulat na direksiyon na pag nilabag ay consciously nilang alam na mali sila.

Pero sa atin, mas madami ang billboards, sobrang liit ng mga traffic signs, at madalas ay wala ito.

Ang dahilan? Sabi ng isang barkada natin sa loob ng DPWH, ito ang isa sa pinakamalaking pinagkakakuwartahan ng mga opisyal doon. Hindi pansinin, malaki ang budget at walang nagrereklamo o nasasaktan.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...