Balita

7 sa 10 Pinoy pabor sa national ID-SWS

08/08/2018

PITO sa bawat 10 Filipino ang pabor sa national ID system, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey noong Hunyo, 73 porsyento ang nagsabi na sila ay sumasang-ayon sa national ID at 18 porsyento ang hindi pabor dito. Siyam na porsyento naman ang walang sagot o hindi alam.

Pinakamarami ang pabor sa National Capital Region (77 porsyentong pabor at 18 porsyentong hindi), na sinundan ng iba pang bahagi ng Luzon (76 pabor at 18 hindi), Visayas (68 pabor at 15 hindi) at Mindanao (68 pabor at 21 hindi).

Naniniwala ang 32 porsyento na napakalaking tulong nito, 28 porsyento ang nagsabi na malaking tulong ito, 26 porsyento ang katamtamang tulong ang hatid nito, walong porsyento ang kaunting tulong at limang porsyento ang halos wala itong tulong na magagawa sa kanila.

Naniniwala rin ang 61 porsyento na magagawang proteksyunan ng gobyerno ang mga impormasyon na taglay ng National ID samantalang walong porsyento naman ang nagsabi na hindi. Ang undecided ay 30 porsyento.

Ang survey ay ginawa mula Hunyo 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Tiwala sina Representatives Rodolfo Albano III (Isabela), Albee Benitez (Negros Occidental), Raneo Abu (Batangas) at Ace Barbers (Surigao del Norte) na mapadadali ang transaksyon sa pamamagitan nito at mapadadali ang pagpapatupad ng programa ng gobyerno.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...