outbrain
Balita

119k empleyado kailangan ng DepEd

By: - 08/10/2018

KUMPIYANSA si Education Sec. Leonor Briones na mapupunuan ng ahensya ang mga bakanteng posisyon ng ahensya ngayong taon.

Ayon sa Department of Budget and Management mayroong 125,065 bakanteng posisyon sa Department of Education sa unang bahagi ng taon. Bumaba ito sa 119,412 noong Hulyo 30.

“When we got an exemption from the Civil Service Commission’s procedure, we are fortunate that the Civil Service exempted us, I am very sure that this very famous 119,412 unfilled positions will be drastically reduced this year,” ani Briones.

Sa ilalim ng Omnibus Rules on Appointment and other Human Resources Actions ng CSC, kailangang maipaskil ng hindi bababa sa 10 araw ang mga bakanteng posisyon at ipinagbabawal na maghanap na ng kapalit sa mga mababakanteng posisyon bago ang 60 araw kung kailan magreretiro o magiging epektibo ang pagbibitiw sa isang posisyon.

“Pero just recently, in June of this year, we were able to secure an exemption from CSC na pwede kaming mag-publish 60 days prior to vacancy. That will allow us to fill up and advertise those positions. Kaya ine-explain namin ito kasi mayroong bearing sa chain of promotion,” paliwanag ni Usec. for Planning Service and Field Operations Jesus Mateo.

Ayon kay Mateo kasama na sa 119,412 bakanteng posisyon ang 75,242 bagong item na pinondohan ngayong taon.

Nangangailangan ang DepEd ng mga bagong guro, school heads, finance service personnel para sa eskuwelahan, guidance counselors, administrative support staff, school health and nutrition personnel, administrative personnel para sa Senior High School, at mga empleyado sa Regional at Central Office.

Sa kabila ng kakulangan, sinabi ng DepEd na nananatili ang pagsunod sa standard na itinakda para sa iba’t ibang posisyon.

“You can search the Civil Service Commission or DepEd website, nakalagay naman po dyan yung qualifications. Nangangailangan po kami hindi lang ng teachers, nangangailangan din kami ng maraming administrative staff tulad ng accountant na tutulong sa atin, sa magiging pagtaas ng MOOE [Maintenance and Other Operating Expenses], para ingatan ang pondong ibibigay natin sa kanila,” ani Mateo.

 

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...