Round Trip

Heroes’ landmarks na di dapat dedmahin

By: , - 08/27/2018

Ngayong National Heroes’ Day, hayaan ninyong dalhin namin kayo sa mga lugar na nagpapakilala ng kadakilaan ng ilang mga bayani ng bansa.
Marahil napuntahan na ninyo ang ilan sa kanila, pero bakit hindi natin muli itong bisitahin para bigyang-pugay ang kanilang pangalan na lumaban para sa bayan.

 

1. Rizal Monument
Rizal Park (Luneta), Manila
Dedicated para sa Pambansang Bayani na si Jose Rizal.
Walang Pinoy na hindi nakaaalam kung nasan ang kanyang national shrine, bagamat marami pang mga rebulto na itinayo para sa kanyang karangalan. Ang most photographed monument ng bansa ay guwardyado ng mga Philippine Marine Corps’ Marine Security and Escort Group.

2. Bonifacio Monument
Grace Park, Caloocan City
Para naman ito sa pag-aalaala kay Andres Bonifacio, the founder and supremo ng Katipunan.
Ang monumentong ito ay isa sa sinasabing pinakamagandang gawa ni Guillermo Tolentino na siya ring iskulptor ng Oblacion ng University of the Philippines.

 

3. Lalu-Lapu Monument
Luneta Park, Manila
Bukod kay Rizal, bida rin sa Luneta ang monumento ng bayaning si Lapu-Lapu na nakatalo kay Magellan noong 1521. Tinatawag itong “The Statue of the Sentinel of Freedom” na nasa sentro ng Agrifina Circle. Ginawa ang monumentong ito bilang pagkilala sa kauna-unahang Asyano na lumaban sa foreign invasion.
Ang imahe ni Lapu-Lapu ang sentral na pigura sa seal ng Philippine National Police at ng Bureau of Fire Protection.

Pinaglabanan Shrine and
4. the Spirit of Pinaglabanan
N. Domingo corner Pinaglabanan Streets,
San Juan City
Ito naman ay dedicated para sa mga matatapang na Kaptipunero na lumaban at namatay sa pakikidigma sa mga Kastila.
Ang Pinaglabanan Shrine ay nagpupugay sa Battle of San Juan del Monte, ang unang subok ng mga Katipuneros, sa pamumuno ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, na labanan ang mga Espanyol noong Agosto 1896.
Ayon sa kasaysayan, bolo at mga sariling gawang baril ang kanilang armas.

5. Ninoy Aquino Monument
Ayala Triangle, Makati City
Ang monumento ng modern hero ng bansa na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay gawa ni Peter de Guzman. Ang sculpture na ito ay ipinakikita ang huling sandali ni Ninoy bago siya paslangin sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport na ngayon). Ang pagkamatay niya ang naging mitsa para labanan ang diktadurya ni noo’y Pangulong Ferdinand Marcos.

 

A tourist takes a photo at Fort Santiago in Manila on June 16, 2017.
Philippines has fired one of the world’s top advertising firms in a row over alleged plagiarism, adding more misery to its tourism industry already reeling from a war with Islamist militants and a deadly crackdown on drugs. The tourism department on June 16 cancelled its contract with McCann Worldgroup Philippines and demanded an apology, after deeming its just-launched promotion for the Southeast Asian nation was too similar to a 2014 South African campaign. / AFP PHOTO / JOSEPH AGCAOILI

6. Fort Santiago
Intramuros, Manila
Ang Intramuros, na tinaguriang walled city, ay isa sa mga preserved na landmark sa kalakhang Maynila. Sa loob ng stone fortress na ito nakulong si Rizal. Narito rin ang Rizal shrine na nagpapaalala sa mga huling sandali ni Rizal.

7. Mabini Shrine
Sta. Mesa, Manila
Sa loob ng campus ng Polytechnic University of The Philippines matatagpuan ang bahay ni Apolinario Mabini na kinilalang utak ng rebolusyon. Sa loob nito ay matatagpuan ang Museo ni Mabini kung saan makikita ang ilang nyang mga kagamitan at memorabilia.

8. People Power Monument
Corner EDSA and White Plains Avenue, Brgy Camp Aguinaldo, Quezon City
Isang shrine naman para sa mga Pilipinong sumali sa People Power Revolution noong 1986 na siyang nagpatalsik kay Marcos. Itinayo along EDSA kalapit ng Camp Aguinaldo. Pinakikita sa iskulturang ito ang pagsasanib-pwersa ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng lipunan para labanan ang diktadurya.

9. Bantayog ng mga Bayani
Quezon Avenue, Diliman,
Quezon City
Kung ang People Power Monument ay para sa lahat na sumali at nakiisa sa People Power, ang Bantayog ng mga Bayani naman ay para sa mga taong kinilala bilang mga bayani dahil sa pagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang Martial Law.
Nakaukit dito ang kanilang mga pangalan at kinilala na
bilang Wall of Remembrance. Umabot na sa kulang kulang 298 na pangalan ang nakaukit.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...