Balita

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

08/30/2018

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang lokasyon ng babaeng naging viral ang video sa “Kiki Dance Challenge” sa kahabaan ng Edsa.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na ipapatawag ang babae, na nakilalang bilang Micha Anne Gabuten, matapos ang mapanganib na dance challenge sa kahabaan ng Edsa.
“Siya nga po ‘yun si Micha Anne Gabuten. [We’re] coordinating with the NBI para sa address para alam namin [kung] saan ipapadala ang summon. Still working pa po. Kasi hindi mahanap sa CCTV, kasi we have to review the CCTV whole day kasi walang time and date na nakalagay,” sabi ni Pialago.

Idinagdag ni Pialago na bilang inisyal na paglabag, nahaharap si Pialago ng P500 multa para Jaywalking.Papatawan naman ang driver ng P500 multa dahil sa reckless driving.

“If the driver was the one who took the video, a violation of the Anti-Distracted Driving Act will also be handed out,” dagdag ni Pialago.

Matapos mag-viral ang post, tinanggal na ni Gabuten ang kanyang post at nagdeactivate ng kanyang mga social media account.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...