Showbiz

Blood sisters/brothers

By: - 09/03/2018

Mas madaling maging artista kapag member ka ng show biz clan, gaya ng Padilla at Barretto families.
Napatunayan na ito nina Daniel Padilla at Julia Barreto na hindi na kailangan pang sumali sa mga artista searches sa TV para magka-name. Well-established na kasi ang name ng kanilang mga relatives at kadalasan ay may
instant fans na sila.
Pero did you know na may ilang mga artista na magkaka-mag-anak pala? Here are some of them:

Grae Fernandez at Daniel Padilla

Ang lolo ni Grae na
si Rudy Fernandez ay pinsan ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla. Kaya second cousins sina DJ at Mark Anthony Fernandez, ang daddy
ni Grae.

Dingdong Dantes at Paul Salas

Sinabi ni Paul Salas
sa isang interview
na idol niya ang tito
niya na si Dingdong Dantes. Magpinsan ang ina ni Paul at si Dong. Related din
ang dalawa kay Enrique Gil.

Piolo Pascual at Benjamin Alves

Pamangkin ni Piolo ang Kapuso actor na si Benjamin kaya nga madalas na ikumpara ang dalawa sa isa’t isa. Pero ayon kay Benjamin, walang kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa. Sa katunayan nga raw ay gusto ni Piolo na kuya na lang ang itawag niya rito. Masaya rin ang Kapamilya superstar sa naabot ng career ng pamangkin.

Rap Fernandez
at Karylle

Second degree cousin ni Rap Fernandez si Karylle Yuzon dahil ang ina ng huli na si Zsa-Zsa Padilla at ang ina ni Rap na si Lorna Tolentino ay magpinsan.

Bryan Santos at Charo Santos

Bryan Santos o Gael sa La Luna Sangre ay pamangkin ni ABS-CBN Chief of Content na si Charo Santos.

Georgina Wilson at Isabelle Daza

Besties sina Isabelle at Georgina, pero maliban doon ay may mas malalim pang koneksyon ang dalawa —their moms are sisters. Yup, magpinsang buo sila.

Harvey Bautista at Herbert Bautista

Former Goin’ Bulilit Star Harvey Bautista ay anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Bagaman hindi ineenganyo ng alkalde ang kanyang mga anak na pumasok sa showbiz at politika, wala siyang magagawa dahil hilig daw nila ito. When he grows up nga raw ay gustong maging movie and TV ni
Harvey.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...