Sports

SALUDO: HIDILYN DIAZ BAYANI NG MASANG PILIPINO

By: - 09/05/2018

NAKATAAS ang noo, nakabalabal ang mga kulay ng watawat sa katawan at nakapuwesto ang kanang kamay sa kanang kilay na aks-yon ng pagsaludo sa inang bayan.

At kasabay ng pagtugtog ng pambansang awit na simbolo ng tagumpay, hindi na napigilan ni Hidilyn Diaz ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata habang inaawit ang Lupang Hinirang.

Larawan si Diaz ng isang huwarang bayani na magiting na lumaban para sa karangalan ng bansa matapos isukbit sa kanyang leeg ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Higit sa anim na milyong pabuyang makakamit matapos magreyna sa women’s 53kg weightlifting competition ang prestihiyo at kagalakang ibandera ang husay ng atletang Pilipino sa Asya.

Bumuhat ang 27-anyos, Zamboanga City pride ng 92kg sa snatch at 115kg sa clean and jerk para sa kabuuang 207kg.

Hinigitan ni Diaz sina Kristina Shermetova ng Turkmenistan at Surodchana Khambao ng Thailand para ibigay rin ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa kasaysayan ng Asiad.

SALUDO

Kasapi ng Philippine Air Force, buong pusong pagsaludo ang ipinahatid ng hukbong panghimpapawid ng Pilipinas sa Pinay sports hero.

“We give Hidilyn Diaz our snappiest salute for her discipline, perseverance and hard work that made her achieve another milestone.”

Maging ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ay maluwat na binati si Diaz sa kanyang natatanging kabayanihan.

Bukod pa ito sa nag-uumapaw na papuri ng sambayanang Pilipino na ginamit ang social media para maipaabot kay Diaz ang pagmamahal at pagpupugay.

PANALO SA PANGATLO

Kung gaano kadaling panoorin na makamit ng Business Management scholar sa College of St. Benilde ang ginto ay ang hirap naman na kanya munang tiniis bago ang makinang na tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan.

Dalawang beses munang hindi pina-lad si Diaz sa quadrennial continental sports showcase.

Sa kanyang unang sabak noong 2010 Guangzhou Gamessiya ang kulelat sa lahat ng kalahok habang sa 2014 Incheon Games naman ay pang-anim lamang siya sa 16 na sumali.

Maihahalintulad ang pangyayaring ito sa karera ni Diaz sa kanyang Summer Olympics stints.

Sa pangatlong beses rin kasi nadali ni Diaz ang podium finish sa Olympics nang ibulsa ang silver medal noong 2016 Rio de Janeiro Games na pumutol sa 20 taong paghihintay ng Pilipinas na makapaguwi ng medalya Olympics.

KAHIT MABIGAT AY GAGAAN

Malayo na nga ang narating ng paslit mula sa payak na baryo sa Mindanao na nagsimulang magbuhat ng mabibigat sa murang edad para umigib ng galon-galong tubig na gagagamitin ng kanilang pamilya sa pang araw-araw.

Mula sa gawa-gawang barbel na yari sa lata ng gatas na pinalamanan ng semento , ngayon ay nakapagpatayo na ng sariling weightlifting gym si Diaz sa tabi ng kanilang bahay na kanyang naipundar bunga ng dedikasyon, pagsusumikap at hindi pagbitaw sa pangarap.

Nagmistulang pangalawang tahanan din ang gym na iyon para sa ibang kabataan na nais sumunod sa yapak ng kanilang Ate Hidilyn.

Libreng ipinagagamit ni Diaz ang gym sa mga walang sapat na pera ngunit pursigido bilang pagbabalik-tanaw kung paano rin siya nagsimula sa wala.

Nais ni Diaz na tapusin ang karera sa 2020 Tokyo Games at wala nang sasarap pa kung kasabay ng napipintong pagreretiro dalawang taon mula ngayon ang pagsungkit niya sa kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Tunay na kabayanihan ang pagwawaging ito ng Pinay weightlifter sa Asian Games dahil kahit sa sandaling panahon ay napagbuklod niya ang bansa.

Higit sa lahat, binigyang inspiras-yon at pinalakas ni Hidilyn Diaz ang loob ng bawat Pilipino na gagaan kahit gaano pa kabigat ang buhay-tulad ng barbel na kanyang binubuhat- kapag pinairal ang tiwalasa sarili, sipag at pananalig sa Diyos.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...