Sports

Natupad na pangarap para kay Don Trollano

By: - 09/05/2018

BATA pa lamang ay pangarap na ni Don Trollano na makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ngayong kabilang na siya sa lineup ng TNT KaTropa matapos maglaro para sa Rain or Shine Elasto Painters, hindi pa rin makapaniwala ang 6-foot-3 shooting guard sa narating.

Disiplina, pangangalaga sa katawan at pananalig sa Diyos ang susi ng 26-anyos mula Calamba, Laguna sa pag-abot sa tagumpay.

Grade five nang mahiligan niya ang basketball dahil sa impluwensya ng mga kapatid.
Kasabay ng pagpapalabas sa telebisyon ng anime series na Slamdunk mas lalong nahilig sa basketball si Trollano.

Nagtuluy-tuloy pa ang kanyang pagkahumaling sa sport hanggang sa maging varsity player noong third year high school sa Trace College sa Los Baños, Laguna. Kinalaunan, ni-recruit siya ng University of East.

Nasubok ang katatagan ni Trollano nang matanggal sa UE dahil sa pagpapalit ng coaching staff kung kaya’t siya ay nagbalik sa Trace.

Sa kanyang pagbabalik, doon pala magbubukas ang mas maliwanag na pinto nang ma-recruit sa Adamson University ng dating Falcons at kasalukuyang head coach ng San Miguel na si Leo Austria.

Naging mahirap ang adjustment nang sumabak na siya sa UAAP noong 2012 tulad na lang ng pagkakawalay sa kanyang pamilya at panibagong pakikisama sa Maynila.

“Syempre sa umpisa mahirap, kasi hindi naman ako sanay sa ganoon tapos galing pa ako sa province and then pupuntang Maynila knowing na wala akong katulong,” sabi ni Trollano na naglaro rin para sa Cagayan Rising Suns ng PBA Developmental League.

Hindi rin naging madali ang buhay student-athlete ni Trollano dahil bukod sa dapat na mapanatiling maayos ang academic performance ay dapat ding maging consistent siya sa loob ng court para makakuha ng magandang playing time.

Taong 2015 nang tuluyang natupad ang childhood dream ni Trollano matapos i-draft ng Elasto Painters noong 2015 PBA Rookie Draft.

Abot langit at hindi maipaliwanag na tuwa ang kanyang naramdaman
nang matawag ang pangalan bilang 15th overall pick.

“Ito ‘yung pinaghirapan ko since day one tapos eto na ako hindi ko ma-explain ‘yung feeling,” aniya.

Isang taon matapos ma-draft, agad naging PBA champion si Trollano nang sungkitin ng Elasto Painters ang 2016 PBA Commissioner’s Cup title.

Sa ngayon, isa na si Trollano sa mga reliable players ng KaTropa. At bagaman hindi nakasama sa final 12 ng Team Pilipinas na lumaban sa Asian Games, napabilang pa rin si Trollano sa delegasyon at kasamang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa opening ceremonies ng Asiad.

Minsan ding naging bata na puno ng pangarap si Trollano at alam niya ang hirap para makamit ito.

Kaya ang kanyang maipapapayo sa mga bata: “Huwag lang sumuko. Kung gusto mo talaga makapaglaro sa big league kailangan disiplinado ka, kailangan alagaan mo ‘yung katawan mo kasi ito ‘yung puhunan ng bawat player at ang pinakamahalaga mag-pray ka lang kay God.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...