NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na maghanda sa paparating na super typhoon.
“Mga kaibigan meron na naman pong super typhoon na parating, so ineengganyo po natin ang taong bayan na ma-ging laging handa, ayusin na po natin ang ating emergency kits sa ating pamamahay, maghanda na po tayo ng tubig at delata at yung mga naninirahan po malapit sa mga karagatan ay tingnan na po natin kung saan tayo temporarily na lilipat pagdating ng bagyo,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito’y matapos namang magbabala ang weather bureau na posibleng maging supertyphoon ang bagyong nakatakdang pumasok sa bansa.
“Hwag na po tayong mag- atubili ngayon pa lang kung meron kayong nais na protektahan na mga ari-arian, itago niyo na po sa ibang lugar at huwag na po sa bahay niyo lalo na kung kayo ay malapit sa karagatan,” dagdagdag ni Roque.
Kasabay nito, tiniyak ni Roque na nakahanda na ang pamahalaan para sa epekto ng supertyphoon.
“They have all prepositioned goods, DSWD (Department of Social Welfare and Deveplopment is ready to provide humanitarian assistance, meron naman tayong stratehiya diyan. Matagal na pong naka lay down o naka lay out yung ating mga plano,” sabi pa ni Roque.
Tiniyak din ni Roque na sapat ang bigas na gagamitin para sa mga masasalanta ng kalamidad.