Sports

MAAGANG PAMASKO MULA SA PALASYO

By: - 09/11/2018


DAHIL sa ipinamalas na husay at paghahatid karangalan, maagang pamasko na nagkakahalaga ng P1 milyong piso mula sa pamahalaan ang tatanggapin ng limang Pinay athletes na nag-uwi ng gintong medalya sa katatapos lang na 18th Asian Games sa Jakarta at Palembang Indonesia.

Inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez kasama sina commissioners Arnold Agustin, Charles Raymond Maxey at Celia Kiram ang magandang balita ni Pangulong Rodrigo Duterte upang lalo pang maging inspirado ang mga pambansang atleta.

Bukod pa ang dagdag pabuyang ito sa unang P6 milyon na makukuha nina weighlifter Hidilyn Diaz, skateborder Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Lois Kaye Go at Bianca Isabel Pagdanganan.

Pumalo na sa kabuuang P7 milyon ang makukuha nina Diaz at Didal kung saan ang P2 milyon ay itinakda ng batas sa Republic Act 10699 o Athletes and Coaches Incentive Act na magmumula sa PSC habang ang P2 milyon ay bigay ng Philippine Olympic Committee, P1 milyon pa mula sa Phoenix Siklab Foundation, P1 milyon mula kay Philippine Ambassador to Indpnesia Lee Hiong Tan Wee at P1 milyon mula sa Malacañang.

Iaabot ni Duterte ang insentibo sa Miyerkules, Setyembre 12, sa Palasyo.

Sa kabilang banda, hindi pa maaaring tanggapin ngayon nina Saso, Go at Pagdanganan ang kani-kanilang insentibo dahil sa kanilang amateur status kung saan umani ng P9.3 milyon si Saso matapos maging double gold medalist sa individual at team golf event samantalang may P2.5 milyon si Pagdanganan bilang hati sa team event at bronze medal sa individual event. Dalawang milyon naman ang bonus ni Go mula sa team pot.

“The NGAP is looking at this issue carefully and has sent inquiries to clarify the implications of the acceptance, of their incentives on their amateur status,” sabi ng isang source mula sa National Golf Association of the Philippines (NGAP) sa panayam ng Inquirer.

Inaaral mabuti ng NGAP ang isyu dahil sa istriktong eligibility rules ng US NCAA.

Binibitbit ni Pagdanganan ang University of Arizona habang naglalaro para sa University of South Carolina si Go.

Sinabi naman ni Saso sa Inquirer na baka hindi muna siya tumuloy sa pagiging pro para pumasok sa US NCAA.  –May dagdag na ulat mula sa Inquirer, Bandera

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

ATTENTION MOTORISTS: Alamin pros and cons ng ‘No garage, no car bill’

Mukhang seryoso ang Senado sa panukalang ipagbawal ang pagbili ng kotse kung walang garaheng pagpaparadahan...

Health tip: An egg a day keeps the doctor away

HINDI lang apple kundi maging ang pagkain ng itlog kada araw will keep the doctor...

Kidnap victim muntik maipakain sa buwaya

  BRIDEPORT, Connecticut  — Isang tatlong talampakang buwaya ang ginamit ng isang lalaki para magbayad...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...