Balita

Palasyo nanawagan na maging alerto sa bagyong Ompong

09/12/2018

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na maging alerto para maging ligtas sa banta ng paparating na bagyong Ompong. 

“Ngayon pa lamang po ay hinihikayat na po natin ang ating mga kababayan na umantabay sa mga ulat, balita, abiso at anunsyo mula sa mga estasyon ng gobyerno maging sa social media accounts ng mga ahensiya ng pamahalaan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing.

Ito’y sa harap naman ng posibilidad na maging supertyphoon ang bagyong Ompong matapos manalasa kamakailan sa bansang Japan.

“Alamin ang evacuation plan sa inyong lugar.  Huwag rin po nating kalimutang maghanda ng flashlight at radyo na may bagong baterya, sapat na pagkain, maiinom na tubig, gas, baterya, at first-aid supplies.  Iwasan rin po natin ang mga mababang lugar, pampang, bangin at paanan ng burol at bundok,” ayon pa kay Roque. 

Batay rin po sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay may naihanda ng standby funds, food packs at iba pang relief assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sabi pa ni Roque.

“Sa ating mga kababayan po na wala namang gagawin sa labas ay mangyaring manatili na lamang po sa kani-kanilang mga bahay at huwag gumala para sa inyong kaligtasan. Ipanalangin po natin ang kaligtasan ng lahat,” dagdag pa ni Roque.

Tiniyak ni Roque na nakikipag-ugnayan ang Palasyo sa mga ahensyang may kinalaman sa disaster preparedness para sa kanilang mabilis na pagtugon sa mga maaaring maapektuhan ng bagyong Ompong.   

“As I speak, there is an  ongoing pre-disaster risk assessment meeting now to ensure the orchestrated response of the government to typhoon Mangkhut,” dagdag ni Roque. 

Inaasahang papasok ang bagyong Ompong sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...