Balita

Bagyong Ompong pumasok na sa PAR

By: - 09/12/2018

NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ompong na malapit ng maging super typhoon.

Ganap na alas-3 ng hapon ng pumasok ang bagyo na may international name na Mangkhut ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kanina ay umaabot na sa 205 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala ng bagyo. Kung aabot ito sa 220 ay idedeklara na itong super typhoon ng PAGASA.

Ngayong umaga ang bagyo ay tinatayang nasa layong 805 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Sinabi naman ni House committee on appropriations chairman Karlo Nograles dapat nakapuwesto na ang bigas ng National Food Authority bago tumama ang bagyo sa lupa.

Aniya, dapat ay maging mabilis ang relief operation sa masasalanta ng bagyo. Kung masisira umano ang mga daan ay magiging pahirapan ang pagpapadala ng tulong kaya dapat ay nakapuwesto na ang mga ito ngayon.

“What we want to prevent is the kind of food and rice shortages that occur when whole areas become inaccessible because roads are impassable,” ani Nograles.

Ayon sa NFA mayroon itong 2.2 milyong sako ng bigas sa mga warehouse nito na magagamit sa emergency at relief operations.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...