Balita

Du30 pangungunahan ang paghahanda para sa bagyong Ompong

09/13/2018

NAKATAKDANG pangunahan ngayong hapon ni Pangulong Duterte ang isang command conference sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City bilang paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Ompong.

“As you already know, Typhoon “Ompong” continues to threaten Northern Luzon. Typhoon “Ompong” is expected to make landfall in the northern Cagayan on Saturday morning (September 15). Naka-red alert na po ang NDRRMC at naka-activate na rin ang kanilang Response Cluster,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing. 

Idinagdag ni Roque na naka-activate na rin ang reporting systems ng Department of Interior and Local Government (DILG) para masubaybayan ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang kanilang pre-emptive evacuation.  

“Ang food packs at ibang relief assistance na umaabot ng P1.7 billion naman ay naihanda na po ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo.  Kasabay po nito ay ang paghahanda po ng Department of Health (DOH) ng mga kakailanganing mga gamot, medical supplies at pag-dedeploy ng medical teams na nakahandang rumesponde,” dagdag ni Roque. 

Sinabi pa ni Roque na pinangungunahan naman ng Office of Civil Defense (OCD) ang Logistics Cluster naman po na pinangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD) para matiyak ng kahandaan ng land, air, at sea assets para sa posibleng pagpapadala ng mga karagdagang rescue team at mga suplay sa mga apektadong lugar.

“May mga Quick Response Teams na rin po tayo na nakadeploy sa probinsya ng Batanes at nakapagestablish na rin po sila ng mga alternatibong communication devices para tiyakin na bukas pa rin ang mga linya ng komunikasyon sa pagtama ng bagyong Ompong.  Naka-standby na rin po sa mga maapektuhang areas ang karagdagang Quick Response Teams at Health Emergency Response Teams,” dagdag pa ni Roque. 

Muli ring nanawagan si Roque sa publiko na maging alerto. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...