Balita

Bakwit kay ‘Ompong’ lampas 13K na

09/14/2018

MAHIGIT 13,000 katao na ang nagsilikas sa iba-ibang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong “Ompong,” ayon sa mga otoridad.

Nasa 3,342 pamilya o 13,660 katao na ang nagsilikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, at maging sa Bicol, batay sa datos na nakalap ng Bandera.

Pinakamaraming naiulat na evacuee sa Cagayan, kung saan 2,023 pamilya o 8,411 katao na ang nagsilikas, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-2.

Di bababa sa 1,738 katao ang nagsilikas sa Ilocos region, 513 sa Cordillera, at 447 sa Bicol, ayon sa ulat ng mga tanggapan doon ng OCD.

Dahil sa panibagong direksyon ng bagyo, tumaas naman sa 5.2 milyon ang inaasahang bilang ng maapektuhan, sabi ni Edgar Posadas, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Noong una’y Cagayan ang may pinakamaraming inaasahang maaapektuhan, lumabas sa pagtaya Biyernes ay Isabela na ang mapupuruhan kung saan 1.57 milyon katao ang maaaring makaramdam ng “severe effects” ng bagyo, ani Posadas. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...