Balita

Bakwit kay ‘Ompong’ lampas 18K na

By: - 09/14/2018

MAHIGIT 18,000 katao na ang nagsilikas sa iba-ibang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong “Ompong,” ayon sa mga otoridad

Nasa 4,097 pamilya o 18,250 katao na ang nagsilikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, at maging sa Bicol, batay sa datos na nakalap ng Bandera.

Pinakamaraming naiulat na evacuee sa Cagayan, kung saan 2,778 pamilya o 13,001 katao na ang nagsilikas, ayon kay Rogie Sending, tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan.

Mayroong 2,422 kataong nagsilikas sa katabing lalawigan ng Isabela at 129 sa Quirino, sa ulat ng Office of Civil Defense-2.

Di bababa sa 1,738 katao ang nagsilikas sa Ilocos region, 513 sa Cordillera, at 447 sa Bicol, ayon sa ulat ng mga tanggapan doon ng OCD.

Dahil sa panibagong direksyon ng bagyo, tumaas naman sa 5.2 milyon ang inaasahang bilang ng maapektuhan, sabi ni Edgar Posadas, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Noong una’y Cagayan ang may pinakamaraming inaasahang maaapektuhan, lumabas sa pagtaya Biyernes ay Isabela na ang mapupuruhan kung saan 1.57 milyon katao ang maaaring makaramdam ng “severe effects” ng bagyo, ani Posadas. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...