Round Trip

HINDI KAILANGAN LUMAYO PARA SA VISITA IGLESIA

By: , - 03/27/2018

Ayaw mong makipagsabayan sa dami ng tao na uuwi sa mga probinsiya, kaya rito sa Round Trip ay iiikot namin kayo sa mga simbahan na maaaring puntahan sa Metro Manila para sa inyong tradisyunal na visita iglesia.
Narito ang ilang piling simbahan na maaari mong bisitahin:

1
Manila Cathedral
Sto. Tomas, Intramuros, Manila
Isa ito sa pinaka-lumang simbahan sa bansa pero marami pa rin ang hindi nakapasyal dito, kahit ang iba ay mga taga Metro Manila pa. Ilang beses nang inayos ang Manila Cathedral sa nakalipas na limang siglo.
Noong 2012, isinara sa publiko ang simbahan para mapatibay ito. Binuksan ito muli noong Abril 2014. Ang orihinal na istraktura ay itinayo noong 1581.

2
Sta. Ana Church
Pedro Gil St, Santa Ana, Manila
Isang national treasure ang Parish of Our Lady of the Abandoned o ang Sta. Ana Church. Itinayo ito noong 1578 o panahon ng Kastila ng mga Franciscan missionaries. May dalawang national cultural treasure sa simbahan – ang Santa Ana Site Museum at ang Camarin de la Virgen o ang Dressing Room of the Virgin.

3
Monasterio de Sta. Clara
Aurora Blvd, C-5 Katipunan Ave, Novaliches, Quezon City Kilala ang Sta. Clara Monastery sa mga deboto na nagdadala ng itlog bilang kanilang alay. Matatagpuan dito ang Order of Saint Clare of Assisi kaya dinarayo at inaalayan ng dasal na humihingi na maging maganda ang panahon sa
partikular na araw kalimitan kung kailan idaraos ang isang
mahalagang araw sa kanilang buhay. Ang clara ay nangangahulugang “fair weather” at “puti ng itlog” kaya resulta ay pag-aalay ng itlog kay Sta. Clara para sa magandang panahon.

4 & 5
Archdiocesan Shrine of Our Lady of St. Loreto Parish and Saint Anthony of Padua Shrine (Sampaloc’s Twin churches)
254 Manrique Street Sampaloc, Manila
Dito lang siguro ka sa Sampaloc na makakakita ng magkatabing simbahan ng Katoliko na ilan lang ang hakbang sa isa’t isa. Ang Loreto Church ay itinayo noong 1613 at dedicated ito sa mga Marian devotees.
Mas nauna itong naitayo kaysa sa Saint Anthony of Padua Shrine ay dedicated naman kay Saint Anthony of Padua, isang Franciscan monk na kilala bilang patron ng mga tao na may hinahanap na mahal sa buhay o gamit.

6
Malate Church
000 M. H. Del Pilar St, Malate, Manila
May 150 taon na ang Our Lady of Remedies Parish Church (Nuestra Señora de los Remedios) o Malate Church. Ang orihinal na simbahan ay itinayo noong 1588 kaya mahigit na itong 400 taon. Matapos itong sirain ng lindol at bagyo ang simbahan ay muling itinayo noong 1864. Ang imahe ng Our Lady of Remedies ay dinala sa bansa noong 1624 mula sa Spain ni Padre Juan de Guevera. Makikita pa rin sa altar ng simbahan ang imahe.

7
Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz
Plaza L.Ruiz,Binondo 1006, Manila
Near Ongpin Street is the Minor Basilica of S. Lorenzo Ruiz na tinatawag din na Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, na may magagandang painted ceilings. Itinayo ito ng mga Dominikano noong 1596 upang tulungan ang mga Chinese na maging Kristiyano. Si San Lorenzo Ruiz ay anak ng isang Chinese na ama at inang Pilipina. Si San Lorenzo ang unang santo na Pilipino.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mocha: I decline to apologize

SORRY, Mocha isn’t sorry. Hindi raw magso-sorry si Mocha Uson kahit pa nauna nang nag-sorry...

Trending today: College graduate pinabilib libo-libong netizens

TRENDING ang isang college graduate ngayon dahil may kakaiba siyang kuwento na naging inspirasyon ng...

Executive Order sa ‘endo’ pinirmahan ni Digong

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order na tatapos sa illegal contracting, na kanyang ipinangako...

More than 10 reasons bakit in demand ang PUP graduates

Ayon sa survey ng JobStreet.com Philippines, ang mga graduates mula sa Polytechnic University of the...

500 driver ng Grab pinarusahan

PINARUSAHAN ng Grab Philippines ang may 500 nitong drivers noong isang linggo matapos ang isinagawang...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...