Sports

Race to Final Four: Sinong sasama sa La Salle?

By: - 04/02/2018


NGAYONG okupado na ng defending champion De La Salle University ang unang Final Four seat ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament, isang tanong pa ang kailangang sagutin.

Sino ang sasama sa Lady Spikers sa Final Four cast?

Pinatalsik sa kumpetis-yon ng La Salle ang University of the East sa tatlong set bago ang Holy Week break para umabante sa kanilang ika-10 semifinals appearance.

Kahit pa manalo ang Lady Warriors sa huling tatlong second round games ay hindi ito sasapat para umusad sa next round.

Ibig sabihin, anim na koponan na lang ang maggigirian para masikwat ang tatlo pang nakatayang semifinals berth.

Mahigit isang linggo ang naging pahinga ng liga kung saan natapos na ang 11 laban ng mga koponan ngunit may tatlong laro pang natitira sa elimination round.

Pinagnilayan ng Ateneo De Manila University, Far Eastern University, National University, Adamson University, University of Sto.Tomas at University of the Philippines ang gagawing taktika para sa hinahangad na postseason campaign.. Sa Miyerkules balik aksyon ang UAAP.

ADMU
Remaining games: UST, UP, DLSU

Dumaan sa butas ng karayom ang Lady Eagles bago itakas ang five-set victory kontra Lady Falcons sa kanilang ikalawang pagtatagpo para makasi-guro ng at least Final Four playoff berth matapos itala ang walong panalo. Isang panalo pa ang kailangan ng Katipunan-based volleybelles para sa ninth consecutive semis appearance. Malaki rin ang tyansa nila na makuha ang twice-to-beat incentive sakaling mawalis ang natitirang mga laban.

FEU
Remaining games: ADU, UE, NU

Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Lady Tamaraws para pormal na muling makatuntong sa Final Four sa ikaapat na sunod na taon. Huli nilang biniktima ang Lady Maroons sa loob ng apat na set upang patatagin rin ang tyansa na mabingwit ang twice-to-beat advantage.

NU
Remaining games: UP, UE, FEU

Kahit patuloy na sinusubok ang katatagan nang malasap ang fourth straight loss at manatiling winless sa second round, may liwanag pang nasisilayan ang Lady Bulldogs. Dapat lang na maipanalo ng koponan ang tatlong krusyal na laban para ma-natiling buhay ang inaasam na kampeonato ni graduating skipper Jaja Santiago. Season 77 pa nang huling makatuntong sa Final Four ang NU.

ADU
Remaining games: FEU, DLSU, UST

Tulad ni Santiago, nais din ni Jema Galanza na maiapak ang mga paa sa semifinals podium at magkampeon bago lisanin ang Adamson. Noong rookie year pa ni Galanza (Season 76) huling pumasok sa semis ang Lady Falcons. Must win din ang nala-labing mga laban ng koponan dahil technically, walong panalo ang “safe haven” para makasiguro ng at least playoff berth sa semis.

UST
Remaining games: ADMU, DLSU, ADU

Sa pangunguna ni Cherry Rondina at Milena Alessandrini, nagawang sakmalin ng Tigresses ang Lady Bulldogs sa apat na set para higpitan ang kapit sa target na back-to-back Final Four appearance. Ngunit hindi magiging madali para sa inspiradong Espana spikers ang mga susunod na bakbakan dahil nakaharang sa kanilang daan ang top seed La Salle, second placer Ateneo at naghahabol ring Adamson.

UP
Remaining games: NU, ADMU, UE

Mathematically, maliit ang tyansa ng Lady Maroons na makausad kaya dapat na maipanalo nila ang lahat ng natitirang laban at umasa na matalo ang ibang koponang naghahabol. Huling narating ng UP ang semis noong Season 78.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Executive Order sa ‘endo’ pinirmahan ni Digong

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order na tatapos sa illegal contracting, na kanyang ipinangako...

More than 10 reasons bakit in demand ang PUP graduates

Ayon sa survey ng JobStreet.com Philippines, ang mga graduates mula sa Polytechnic University of the...

500 driver ng Grab pinarusahan

PINARUSAHAN ng Grab Philippines ang may 500 nitong drivers noong isang linggo matapos ang isinagawang...

‘Restroom 20’ inilunsad ng PTT Philippines

INILUNSAD ng PTT Philippines ang “Restroom 20”, kung saan maaaring makagamit ng first class toilet...

Bagong coins pwede sa vending machine ng LRT, MRT

YOU may be wondering kung pwede na bang magamit ang mga bagong barya sa vending...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

MRT3 Ortigas Station: Hanggang saan aabot ang P500 mo?

  Text and photos By Djan Magbanua High rise buildings, high-end shops, high na high...

MRT 3 Magallanes Station: Anong kaya ng P500 mo?

Text and photos By Djan Magbanua GAYA ng great explorer na si Ferdinand Magellan na...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...